عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما مرفوعاً: أن رجلاً سأل رسول الله صلى الله عليه وسلم: أي الإسلام خير؟ قال: «تطعم الطعام وتقرأ السلام على من عرفت ومن لم تعرف».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Na may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Aling Islam ang pinakamabuti? Nagsabi siya: Magpakain ka ng pagkain at bumati ka ng kapayapaan sa sinumang kilala mo at hindi mo kilala."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagtanong ang mga Kasamahan kung aling Islam ang mabuti. Ibig sabihin: Alin sa mga kaasalan sa Islam o mga katangian ng alagad nito ang pinakamainam sa gantimpala [ni Allah] o higit na marami sa pakinabang? Sumagot ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Magpakain ka ng pagkain at bumati ka ng kapayapaan sa sinumang kilala mo at hindi mo kilala."