+ -

عن عائشة رضي الله عنها : أنهم ذبحوا شاة فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «ما بقي منها؟» قالت: ما بقي منها إلا كتفها. قال: «بقي كلها غير كتفها».
[صحيح] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: Sila ay nagkatay ng isang tupa kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ano ang natira mula rito?" Nagsabi siya: "Walang natira mula rito kundi ang balikat nito." Nagsabi siya: "Natira ang lahat nito maliban sa balikat nito."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

Ang pagpapaliwanag

Kumatay ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang tupa. Pagkatapos ay ikinawanggawa nila ito maliban sa balikat nito kaya nagsabi sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Nanatili ang tupa kay Allah, pagkataas-taas Niya, bilang isang gantimpala at isang kabayarang matatagpuan natin sa Kabilang-buhay dahil ikinawanggawa ito. Ang hindi naman ikinawanggawa ay hindi mananatili nang tunay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin