+ -

عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المؤْمنينَ رَضيَ اللهُ عنها قَالَت:
دَخَلَتْ هِنْدٌ بِنْتُ عُتْبَةَ امْرَأَةُ أَبِي سُفْيَانَ عَلَى رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَتْ: يَا رَسُولَ اللهِ، إِنَّ أَبَا سُفْيَانَ رَجُلٌ شَحِيحٌ، لَا يُعْطِينِي مِنَ النَّفَقَةِ مَا يَكْفِينِي وَيَكْفِي بَنِيَّ إِلَّا مَا أَخَذْتُ مِنْ مَالِهِ بِغَيْرِ عِلْمِهِ، فَهَلْ عَلَيَّ فِي ذَلِكَ مِنْ جُنَاحٍ؟ فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «خُذِي مِنْ مَالِهِ بِالْمَعْرُوفِ مَا يَكْفِيكِ وَيَكْفِي بَنِيكِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1714]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Pumasok si Hind bint `Utbah na maybahay ni Abū Sufyān sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na si Abū Sufyān ay isang lalaking maramot. Hindi siya nagbibigay sa akin ng panggugol na sasapat sa akin at sasapat sa mga anak ko maliban sa kinuha ko mula sa yaman niya nang walang kaalaman niya. Kaya may kasalanan po ba sa akin doon? Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumuha ka mula sa yaman niya ayon sa nakaugalian ng sasapat sa iyo at sasapat sa mga anak mo."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1714]

Ang pagpapaliwanag

Sumangguni si Hind bint `Utbah (malugod si Allāh dito) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa asawa nitong si Abū Sufyān (malugod si Allāh doon) na iyon ay isang lalaking kuripot na masigasig sa yaman niyon, na hindi nagbibigay sa maybahay niya ng panggugol na sasapat dito at sasapat sa mga anak niya, maliban sa kinuha nito mula sa yaman niyon nang palihim habang iyon ay hindi nakaaalam. Kaya may kasalanan ba rito doon? Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumuha ka para sa iyo at para sa mga anak niya mula sa yaman niya ng halagang nalalaman sa kaugalian na iyon ang kasapatan, kahit pa man walang kaalaman niya."

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkakinakailangan ng paggugol sa maybahay at mga anak.
  2. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Ang ibig sabihin mula sa sabi niya na: "Kumuha ka mula sa yaman niya ayon sa nakaugalian" ay pagsangguni sa kaugalian kaugnay sa anumang wala ritong isang pagtatakdang legal.
  3. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Humango siya ng patunay sa ḥadīth na ito sa pagpayag sa pagbanggit sa tao ng hindi niya maiibigan kapag ito ay ayon sa paraan ng paghiling ng payo, paghihinaing, at tulad niyon. Ito ay isa sa mga pagkakataon na pinapayagan dito ang paglibak.
  4. Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Hindi nagnais si Hind ng paglalarawan kay Abū Sufyān ng karamutan sa lahat ng mga kalagayan niyon. Naglarawan lamang siya ng kalagayan niya sa piling niyon na iyon ay nagkukuripot sa kanya at sa mga anak niya. Ito ay hindi nag-oobliga ng kakuriputan sa kalahatan sapagkat marami sa mga padre de familia ay gumagawa niyon sa mag-anak nito at nakaaapekto ang mga estranghero dala ng pagpapalagayang-loob sa kanila.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin