عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المؤْمنينَ رَضيَ اللهُ عنها قَالَت: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«تُقْطَعُ اليَدُ فِي رُبُعِ دِينَارٍ فَصَاعِدًا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6789]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Pinuputol ang kamay sa [pagnanakaw ng] ikaapat na bahagi ng Dinar pataas."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6789]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang magnanakaw ay pinuputulan ng kamay dahil sa pagnanakaw ng halagang ikaapat ng dinar na ginto at anumang humigit pa roon. Nakatutumbas nito ang halagang kapantay ng 1.06 gramo ng ginto.