عَنْ عَلِيٍّ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنْ أَصَابَ حَدًّا فَعُجِّلَ عُقُوبَتَهُ فِي الدُّنْيَا فَاللَّهُ أَعْدَلُ مِنْ أَنْ يُثَنِّيَ عَلَى عَبْدِهِ العُقُوبَةَ فِي الآخِرَةِ، وَمَنْ أَصَابَ حَدًّا فَسَتَرَهُ اللَّهُ عَلَيْهِ وَعَفَا عَنْهُ فَاللَّهُ أَكْرَمُ مِنْ أَنْ يَعُودَ فِي شَيْءٍ قَدْ عَفَا عَنْهُ».
[حسن] - [رواه الترمذي وابن ماجه] - [سنن الترمذي: 2626]
المزيــد ...
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang nagindapat sa isang takdang parusa saka minadali siya sa kaparusahan sa kanya sa Mundo, si Allāh ay higit na makatarungan kaysa sa magdoble Siya sa lingkod Niya sa kaparusahan sa Kabilang-buhay. Ang sinumang nagindapat sa isang takdang parusa saka nagtakip nito si Allāh sa kanya at nagpaumanhin Siya sa kanya, si Allāh ay higit na mapagbigay kaysa sa bumalik Siya sa anumang nagpaumanhin na Siya sa kanya."}
[Maganda] - - [سنن الترمذي - 2626]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakagawa ng isang pagsuway kabilang sa mga pagsuway na nag-oobliga ng pangkapahayagang takdang parusa, gaya ng pangangalunya at pagnanakaw, saka nagtamo ng parusa niya at ipinatupad sa kanya ang takdang parusa sa Mundo, tunay na ang takdang parusang iyon ay magpapawi sa kanya ng pagsuway na iyon at mag-aalis sa kanya ng kaparusahan nito sa Kabilang-buhay dahil si Allāh ay higit na mapagbigay at higit na maawain kaysa sa magtipon Siya sa lingkod Niya ng dalawang kaparusahan. Ang sinumang tinakpan ni Allāh sa Mundo at hindi pinarusahan sa pagsuway na iyon, magpapaumanhin si Allāh sa kanya at magpapatawad sa kanya sapagkat si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay higit na mapagbigay at higit na galante kaysa sa bumalik Siya sa pagpaparusa sa isang pagkakasalang nagpatawad na Siya nito at nagpaumanhin na Siya sa kanya.