عَنْ عُبَادَةَ بْنِ الصَّامِتِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، وَكَانَ شَهِدَ بَدْرًا، وَهُوَ أَحَدُ النُّقَبَاءِ لَيْلَةَ العَقَبَةِ: أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ، وَحَوْلَهُ عِصَابَةٌ مِنْ أَصْحَابِهِ:
«بَايِعُونِي عَلَى أَلَّا تُشْرِكُوا بِاللَّهِ شَيْئًا، وَلاَ تَسْرِقُوا، وَلاَ تَزْنُوا، وَلاَ تَقْتُلُوا أَوْلاَدَكُمْ، وَلاَ تَأْتُوا بِبُهْتَانٍ تَفْتَرُونَهُ بَيْنَ أَيْدِيكُمْ وَأَرْجُلِكُمْ، وَلاَ تَعْصُوا فِي مَعْرُوفٍ، فَمَنْ وَفَى مِنْكُمْ فَأَجْرُهُ عَلَى اللَّهِ، وَمَنْ أَصَابَ مِنْ ذَلِكَ شَيْئًا فَعُوقِبَ فِي الدُّنْيَا فَهُوَ كَفَّارَةٌ لَهُ، وَمَنْ أَصَابَ مِنْ ذَلِكَ شَيْئًا ثُمَّ سَتَرَهُ اللَّهُ فَهُوَ إِلَى اللَّهِ، إِنْ شَاءَ عَفَا عَنْهُ وَإِنْ شَاءَ عَاقَبَهُ» فَبَايَعْنَاهُ عَلَى ذَلِكَ.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 18]
المزيــد ...
Ayon kay `Ubadāh bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya) noong siya ay nakasaksi [sa labanan] sa Badr noong siya ay isa sa mga pinuno nang gabi ng `Aqabah: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi habang sa paligid niya ay may isang pangkat ng mga Kasamahan niya:
"Mangako kayo ng katapatan sa akin na hindi kayo magtambal kay Allāh ng anuman, hindi kayo magnakaw, hindi kayo mangalunya, hindi kayo pumatay ng mga anak ninyo, hindi kayo magdala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa ninyo sa pagitan ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo, at hindi kayo sumuway sa isang nakabubuti. Ang sinumang tumupad kabilang sa inyo, ang pabuya sa kanya ay nasa kay Allāh. Ang sinumang nakagawa mula roon ng anuman saka pinarusahan sa Mundo, ito ay isang panakip-sala para sa kanya. Ang sinumang nakagawa mula roon ng anuman pagkatapos ay nagtakip sa kanya si Allāh, ito ay nasa kay Allāh. Kung niloob Niya, magpapaumanhin Siya rito; at kung niloob Niya, magpaparusa Siya rito." Kaya nangako kami ng katapatan sa kanya ayon doon.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 18]
Nagpabatid si `Ubadāh bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya) – na noon ay kabilang sa nakasaksi sa pinakamalaking labanan sa Badr habang siya ay malaking tao ng lipi niya, na mga nanguna para magsagawa ng pangako ng katapatan para sa pag-adya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong gabi ng `Aqabah na nasa Minā, nang ang Sugo ay nasa Makkah bago ng paglikas nito sa Madīnah – na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo sa gitna ng mga Kasamahan niya saka humiling sa kanila na makipagkasunduan sila sa kanya sa mga sumusunod: Una. Hindi sila magtatambal sa pagsamba kay Allāh ng anuman kahit pa man kaunti; Ikalawa. Hindi sila magnanakaw; Ikatlo. Hindi sila gagawa ng kahalayan ng pangangalunya; Ikaapat. Hindi sila papatay ng mga anak nila: mga lalaki nila dala ng takot sa karalitaan o mga babae nila dala ng takot sa kahihiyan; Ikalima. Hindi sila magdadala ng isang kasinungalingang nilikha-likha nila sa pagitan ng mga kamay nila at mga paa nila yayamang ang karamihan sa mga gawain ay nagaganap sa mga ito kahit pa nakilahok ang natitira sa mga bahagi ng katawan; Ikaanim. Hindi sila susuway sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang nakabubuti. Ang sinumang nanatili kabilang sa kanila sa kasunduan at nagpaobliga roon, ang pabuya sa kanya ay nasa kay Allāh. Ang sinumang gumawa ng anuman mula sa nabanggit – bukod pa sa pagtatambal – parurusahan siya dahil dito sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng takdang parusa sa kanya ngunit ito ay isang panakip-sala para sa kanya at sa pamamagitan nito naaalis ang kasalanan. Ang sinumang gumawa mula roon ng anuman pagkatapos nagtakip sa kanya si Allāh, ang nauukol sa kanya ay nasa kay Allāh. Kung niloob Nito, magpapaumanhin Ito sa kanya; at kung niloob Nito, magpaparusa Ito sa kanya. Kaya nangako ng katapatan sa kanya ang lahat ng mga nakadalo ayon doon.