+ -

عن عَائِشَةُ رضي الله عنها «أَنَّ قُرَيْشا أَهَمَّهُم شَأن المَخْزُومِيَّة التي سَرَقَتْ، فَقَالُوا: مَنْ يُكَلِّمُ فيها رسول الله صلى الله عليه وسلم ؟، فقالوا: وَمَنْ يَجْتَرِئُ عليه إلا أسامة بن زيد حِبُّ رسول الله صلى الله عليه وسلم فَكَلَّمَهُ أسامة، فَقَالَ: أَتَشْفَعُ فِي حَدٍّ مِنْ حُدُودِ الله؟ ثُمَّ قَامَ فَاخْتَطَبَ، فقال: إنَّمَا أَهْلَكَ الذين مِنْ قَبْلِكُمْ أنهم كانوا إذا سرق فيهم الشريف تركوه، وإذا سرق فيهم الضعيف أَقَامُوا عليه الحد، وَأَيْمُ الله: لَوْ أَنَّ فاطمة بنت محمد سَرَقَتْ لَقَطَعْتُ يَدَهَا». وَفِي لَفْظٍ «كانت امرأة تَسْتَعِيرُ المَتَاعَ وَتَجْحَدُهُ، فَأَمَرَ النبي صلى الله عليه وسلم بِقَطْعِ يَدِهَا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Aishah-malugod si Allah sa kanya-(( Na ang mga Quraysh ay nagdalamhati sila sa kapakanan ng Makhzumiyyah na nagnakaw;Nagsabi sila: Sino ang makikipag-usap rito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-? sinabi nila: Sino pa ang may kakayahang makipag-usap sa kanya maliban kay Usamah bin Zaid,na iniibig ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Kinausap siya ni Usamah,Nagsabi siya:Namamagitan kaba sa Alituntunin mula sa mga Alituntunin ni Allah?Pagkatapos ay tumindig siya,at nagbigay ng Sermon Nagsabi siya:Katotohanan na kaya nilipol ang mga( Taong) nauna sa inyo,Sapagkat sila,Kapag nagnakaw sa kanila ang mga may karangyaan,ay iniiwan ito,Ngunit kapag ang nagnakaw sa kanila ay ang mahihina,ipinapatupad nila ang Alituntunin,At Sumpa kay Allah,Kahit si Fatimah bint Muhammad ang nagnakaw,tunay na puputulin ko ang kamay niya)) At sa isang pananalita:(( Ang isang babae ay naghihiram ng gamit at kinuha niya ito,Kaya`t ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na putulin ang kamay niya))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang isang babae mula sa Makhzum ay nanghihiram ng gamit sa mga Tao na nandadaya,pagkatapos ay pinabulaanan niya ito,Nanghiram ulit ito ng alahas at pinabulaanan din niya ito,natagpuan ito sa kanya at naipadala ang ginawa niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tiniyak niya na ipapatupad ang Alituntunin ni Allah-Pagkataas-taas Niya na pagputol sa kamay niya,At siya ay may karangyaan at nagmula sa pamilya na `Ariqah sa Quraysh.Nagdalamhati ang mga Quraysh sa kanya at sa Panuntunan na ipapataw sa kanya,at nagpulong-pulong sila kung sino ang gagawin nilang pamagitan sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang kausapin ito sa paglaya niya,At wala silang nakita na nangunguna kay Usama bin Zaid,sapagkat siya ay napakalapit na iniibig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Kinausap siya ni Usamah,at nagalit siya sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi sa kanya-bilang pagtanggi sa kanya-"Namamagitan kaba sa Alituntunin mula sa mga Alituntunin ni Allah?" Pagkatapos ay tumayo siya at nagsermon sa mga Tao,upang ipahayag sa kanila ang dalang panganib na ganitong Pamamagitan,na kung saan nagpapawalang-bisa sa Alintuntunin ni Allah;At dahil sa ang Paksa ay nagdadala ng dalamhati sa karamihan sa kanila,Ipinahayag niya sa kanila na ang dahilan ng Pagkalipol ng mga nauna sa kanila sa Relihiyon nila at sa Mundo nila,Dahil silay ay nagpapatupad sa Alituntunin ni Allah sa mga mahihina at mga dukha,at iniiwan nila ang mga Malalakas at mga marangya,Kaya`t nangibabaw sa kanila ang kaguluhan at kasamaan at katiwalian,Kaya`t nararapat sa kanila ang poot ni Allah at Parusa Niya,Pagkatapos ay Sumumpa siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na siya ang pinaka-tapat sa lahat ng Tapat-Kung mangyayari man ang pangyayaring ito sa Pinuno ng mga kababaihan sa Mundo,sa anak niya na si Fatimah-nagpapakopkop siya sa Allah rito-Ipagsasakatuparan niya rito ang Panuntunan ni Allah-Pagkataas-taas Niya;Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Hausa Portuges Malayalam
Paglalahad ng mga salin