+ -

عن عَبْدُ الله بن عمر رضي الله عنهما أن عمر قال -على منبر رسول الله- صلى الله عليه وسلم : "أما بعد، أيها الناس، إنه نزل تحريم الخمر وهي من خمسة: مِنَ العنب، والتمر، والعسل، والحنطة، والشعير. والخمر: مَا خَامَرَ العَقْلَ. ثَلاثٌ وَدِدْتُ أَنَّ رَسُولَ الله صلى الله عليه وسلم كَانَ عَهِدَ إلَيْنَا فِيهَا عَهْداً نَنْتَهِي إلَيْهِ: الجَدُّ، والكَلالَةُ، وأَبْوَابٌ مِنَ الرِّبَا".
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-Katotohanang si `Umar ay nagsabi-sa entablado-Minbar ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"Pagkatapos nito;o sangkatauhan! Tunay na ipinahayag [sa Qur-an] ang pagbabawal ng alak,At ito ay may limang pinagmumulan: sa ubas,dateles,pulot-pukyutan,trigo at lentil na alak At ang alak, ay yaong nakakasira ng pag-iisip,Tatlong bagay,pinapangarap ko na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nangako sa atin rito ng isang pangako na matatapos tayo rito: [Ang pamana ] ng lolo,[Ang pamana ] ng taong namatay na walang naiwang anak at magulang,at mga pintuan ng pagpapatubo"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nagbigay ng sermon si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-sa Masjid ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa kanyang Minbar o entablado ang pagsesermon na ito.At nagpasiya siya rito na ang alak ay yaong nakakasira ng pag-iisip,Ang alak ay hindi lamang nanggagaling sa ubas,datapuwat ito ay sa lahat ng inuming nakakalasing na ginawa mula sa dateles o pulot-pukyutan,o trigo na alak.At binanggit ni `Umar-malugod si Allah sa kanya- sa kanyang sermon-na may tatlong usapin,dito ay may pag-aalinlangan sa kanila.pinangarap niya na sana`y ipinangako ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa tatlong usapin na ito -ang isang pangako para sa kanyang Ummah,na matatapos sila rito,ito ang pamana ng lolo,pamana ng bawat namamatay na walang naiwang anak at magulang,at sa ilang pintuan ng pagpapatubo. At ang lahat ng papuri ay sa Allah,na ang mga panuntunan sa tatlong usapin na ito ay napag-alaman,at hindi ibig sabihin na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi niya ito ipinaliwanag,[sapagkat] tunay na ginanap niya ang mensahe.at isinagawa niya ang Amanah [Ang Tiwala],at ipinarating niya [ang mga bagay na] mula kay Allah,na mga lingid at higit na maliit na bagay mula sa mga ito,Subalit si `Umar-malugod si Allah sa kanya-ay ninais niyang magkaroon ito ng tekstong hayag at maliwanag,na walang halong Ijtihad [pagsusumikap sa paghahanap ng tamang patakaran o panuntunan]

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam
Paglalahad ng mga salin