عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّ اللهَ إِذَا أَحَبَّ عَبْدًا دَعَا جِبْرِيلَ فَقَالَ: إِنِّي أُحِبُّ فُلَانًا فَأَحِبَّهُ، قَالَ: فَيُحِبُّهُ جِبْرِيلُ، ثُمَّ يُنَادِي فِي السَّمَاءِ فَيَقُولُ: إِنَّ اللهَ يُحِبُّ فُلَانًا فَأَحِبُّوهُ، فَيُحِبُّهُ أَهْلُ السَّمَاءِ، قَالَ ثُمَّ يُوضَعُ لَهُ الْقَبُولُ فِي الْأَرْضِ، وَإِذَا أَبْغَضَ عَبْدًا دَعَا جِبْرِيلَ فَيَقُولُ: إِنِّي أُبْغِضُ فُلَانًا فَأَبْغِضْهُ، قَالَ فَيُبْغِضُهُ جِبْرِيلُ، ثُمَّ يُنَادِي فِي أَهْلِ السَّمَاءِ إِنَّ اللهَ يُبْغِضُ فُلَانًا فَأَبْغِضُوهُ، قَالَ: فَيُبْغِضُونَهُ، ثُمَّ تُوضَعُ لَهُ الْبَغْضَاءُ فِي الْأَرْضِ».
[صحيح] - [صحيح مسلم] - [صحيح مسلم: 2637]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
Tunay na si Allāh, kapag umibig Siya sa isang tao, ay tumatawag kay Gabriel saka nagsasabi: "Tunay na Ako ay umiibig kay Polano kaya umibig ka sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya iibig sa kanya si Gabriel." Pagkatapos mananawagan ito sa [mga naninirahan sa] langit saka magsasabi ito: "Tunay na si Allāh ay umiibig kay Polano kaya umibig kayo sa kanya." Kaya iibig sa kanya ang mga naninirahan sa langit. Nagsabi siya: "Pagkatapos ilalagay para sa kanya ang pagtanggap sa lupa." Kapag naman namuhi Siya sa isang tao, tumatawag Siya kay Gabriel saka nagsasabi: "Tunay na Ako ay namumuhi kay Polano kaya mamuhi ka sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya mamumuhi sa kanya si Gabriel." Pagkatapos mananawagan ito sa mga naninirahan sa langit: "Tunay na si Allāh ay namumuhi kay Polano kaya mamuhi kayo sa kanya." Pagkatapos ilalagay para sa kanya ang pagkamuhi sa lupa."}
[Tumpak] - [صحيح مسلم] - [صحيح مسلم - 2637]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh — kapag umibig Siya sa lingkod Niyang mananampalatayang tagatalima sa mga ipinag-uutos niya, na tagaiwas sa mga sinasaway — ay nananawagan kay Anghel Gabriel: "Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay umiibig kay Polano kaya umibig ka sa kanya." Kaya iibig dito ang pinapanginoon ng mga anghel na si Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) saka mananawagan naman si Anghel Gabriel sa mga anghel ng langit: "Tunay na ang Panginoon ninyo ay umiibig kay Polano kaya umibig kayo sa kanya." Kaya iibig naman sa kanya ang mga naninirahan sa langit. Pagkatapos maglalagay sa kanya ng pagtanggap sa mga puso ng mga mananampalataya ng pag-ibig, pagkiling sa kanya, at pagkalugod sa kanya. Kapag namuhi si Allāh sa isang tao, mananawagan Siya kay Anghel Gabriel: "Tunay na Ako ay namumuhi kay Polano kaya mamuhi ka sa kanya." Kaya mamumuhi sa kanya si Anghel Gabriel. Pagkatapos mananawagan si Anghel Gabriel sa mga naninirahan sa langit: "Tunay na ang Panginoon ninyo ay namumuhi kay Polano kaya mamuhi kayo sa kanya." Kaya mamumuhi naman sila sa kanya." Pagkatapos maglalagay para sa kanya ng pagkamuhi at pagkasuklam sa mga puso ng mga mananampalataya.