Talaan ng mga ḥadīth

Ang pananampalataya ay higit sa pitumpung – o higit sa animnapung – sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng perhuwisyo palayo sa daan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang gumawa ng maganda sa [panahon ng] Islām ay hindi pananagutin sa anumang ginawa niya sa Panahon ng Kamangmangan. Ang sinumang gumawa ng masagwa sa [panahon ng Islām] ay pananagutin sa una at huli."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang anumang propeta na ipinadala ni Allāh sa isang kalipunan bago ko malibang nagkaroon siya mula sa kalipunan niya ng mga disipulo at mga kasamahan na humahawak sa sunnah niya at tumutulad sa utos niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Muslim ay ang sinumang nakaligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang tagalikas ay ang sinumang umiwan ng sinaway ni Allāh."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na kami ay nakatatagpo sa mga sarili namin ng minamabigat ng isa sa amin na magsalita hinggil doon." Nagsabi siya: "Nakaranas nga kayo niyon?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Iyan ay ang kalantayan ng pananampalataya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pananampalataya ay talagang naluluma sa kaloob-looban ng [bawat] isa sa inyo kung paanong naluluma ang lumang kasuutan. Kaya naman humiling kayo kay Allāh na magpanibago Siya ng pananampalataya sa mga puso ninyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakatikim ng lasa ng pananampalataya ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu