+ -

عَنِ الْعَبَّاسِ بْنِ عَبْدِ الْمُطَّلِبِ رضي الله عنه أَنَّهُ سَمِعَ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، يَقُولُ:
«ذَاقَ طَعْمَ الْإِيمَانِ مَنْ رَضِيَ بِاللهِ رَبًّا، وَبِالْإِسْلَامِ دِينًا، وَبِمُحَمَّدٍ رَسُولًا».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 34]
المزيــد ...

Ayon kay Al-`Abbās bin `Abdilmuṭṭalib (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Nakatikim ng lasa ng pananampalataya ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 34]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mananampalatayang tapat sa pananampalataya niya, na napapanatag dito ang puso niya, ay makadarama at makatatalos sa puso niya ng pagkaluwag, pagkalawak, tuwa, katamisan, at sarap ng kalapitan kay Allāh (napakataas Siya) kung siya ay nalugod sa tatlo:
A. Nalugod siya kay Allāh bilang Panginoon. Iyon ay sa pamamagitan ng pagkaluwag ng dibdib niya sa anumang dumarating sa kanya mula kay Allāh ayon sa hinihiling ng pagkapanginoon na pagkakahati ng mga panustos at mga kalagayan. Kaya naman hindi siya nakadarama sa puso niya ng isang pagtutol sa anuman mula roon at hindi siya humihiling ng isang panginoong iba pa kay Allāh (napakataas Siya).
B. Nalugod siya sa Islām bilang relihiyon. Iyon ay sa pamamagitan ng pagkaluwag ng dibdib niya sa anumang nilalaman ng Islām na mga pag-aatang at mga tungkulin at hindi siya nagpunyagi sa iba pa sa daan ng Islām.
C. Nalugod siya kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang sugo. Iyon ay sa pamamagitan ng pagkaluwag ng dibdib niya at pagkatuwa niya sa lahat ng mga inihatid ng Propeta nang walang pag-aatubili at walang pagdududa, kaya wala siyang tinahak kundi ang sumasang-ayon sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Sinhala Vietnamese Hausa Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda malgaashka
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pananampalataya ay may katamisan at lasang natitikman sa pamamagitan ng mga puso gaya ng pagkatikim sa katamisan ng pagkain at inumin sa pamamagitan ng bibig.
  2. Ang katawan ay hindi nakadarama ng katamisan ng pagkain at inumin malibang sa sandali ng kalusugan nito. Gayon din ang puso: kapag naligtas ito sa sakit ng mga pithayang tagapagligaw at mga pagnanasang ipinagbabawal, nakadarama ito ng katamisan ng pananampalataya. Kapag nagkasakit ito at nagkakaramdaman, hindi ito makadarama ng katamisan ng pananampalataya; bagkus maaaring matamisin nito ang anumang naroon ang kapahamakan nito na mga pithaya at mga pagsuway.
  3. Ang tao, kapag nalugod siya sa isang bagay o nagmaganda siya nito, ay dadali sa kanya ang nauukol dito at hindi hihirap sa kanya ang anuman mula rito. Matutuwa siya sa bawat inihatid nito at hahalo sa ngiti niya ang puso niya. Gayon din ang mananampalataya: kapag pumasok sa puso niya ang pananampalataya, dadali sa kanya ang pagtalima sa Panginoon niya, masasarapan dito ang sarili niya, at hindi hihirap sa kanya ang pagdanas nito.
  4. Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim: Ang ḥadīth na ito ay naglaman ng pagkalugod sa pagkapanginoon Niya (kaluwalhatian sa Kanya) at pagkadiyos Niya, ng pagkalugod sa Sugo Niya at pagpapaakay rito, at ng pagkalugod sa Relihiyon nito at pagtanggap dito.
Ang karagdagan