عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَمْرٍو رضي الله عنهما قال: قال رَسولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«أَرْبَعٌ مَنْ كُنَّ فِيهِ كَانَ مُنَافِقًا خَالِصًا، وَمَنْ كَانَتْ فِيهِ خَلَّةٌ مِنْهُنَّ كَانَتْ فِيهِ خَلَّةٌ مِنْ نِفَاقٍ حَتَّى يَدَعَهَا: إِذَا حَدَّثَ كَذَبَ، وَإِذَا عَاهَدَ غَدَرَ، وَإِذَا وَعَدَ أَخْلَفَ، وَإِذَا خَاصَمَ فَجَرَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 58]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging isang mapagpaimbabaw na lantay; at ang sinumang may naging nasa kanya na isang katangian mula sa mga ito, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa isang pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraydor siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagsasamasamang-loob siya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 58]
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa apat na kakanyahan; na kapag natipon ang mga ito sa isang Muslim, siya ay naging matindi ang pagkakawangis sa mga mapagpaimbabaw dahilan sa mga kakanyahang ito. Ito ay sa sinumang ang mga kakanyahang ito ay nananaig sa kanya. Hinggil naman sa sinumang madalang ito, siya ay hindi napaloloob dito. Ang mga ito ay:
A. Kapag nagsalita siya, sinasadya niya ang pagsisinungaling at ang kawalan ng katapatan sa pananalita niya.
B. Kapag nakipagkasunduan siya ng isang kasunduan, hindi siya tumutupad dito at nagtatraydor siya sa kasamahan niya.
C. Kapag nangako siya ng isang pangako, hindi siya tumutupad dito at sumisira siya rito;
D. Kapag nakipag-alitan siya at nakipagtaluhan siya sa isang tao, ang pakikipag-alitan niya ay matindi. Kumikiling siya palayo sa katotohanan, nanlalalang siya sa pagtugon niya at pagpapabula niya, at nagsasabi siya ng kabulaanan at kasinungalingan.
Tunay na ang pagpapaimbabaw ay ang pagpapakita ng nagkukubli ng kasalungatan nito. Ang kahulugang ito ay natatagpuan sa tagapagtaglay ng mga kakanyahang ito. Ang pagpapaimbabaw niya ay nagiging pumapatungkol sa sinumang kumausap sa kanya, nangako sa kanya, nagtiwala sa kanya, nakipag-alitan sa kanya, at nakipagkasunduan sa kanya mula sa mga tao. Hindi dahil siya ay isang mapagpaimbabaw sa Islām kaya nagpapakita siya nito habang siya ay nagkukubli naman ng kawalang-pananampalataya. Ang sinumang naging nasa kanya ang isa sa mga kakanyahang ito, naging nasa kanya ang isang katangian ng pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito.