عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ مَسْعُودٍ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَا مِنْ نَبِيٍّ بَعَثَهُ اللهُ فِي أُمَّةٍ قَبْلِي إِلَّا كَانَ لَهُ مِنْ أُمَّتِهِ حَوَارِيُّونَ، وَأَصْحَابٌ يَأْخُذُونَ بِسُنَّتِهِ وَيَقْتَدُونَ بِأَمْرِهِ، ثُمَّ إِنَّهَا تَخْلُفُ مِنْ بَعْدِهِمْ خُلُوفٌ يَقُولُونَ مَا لَا يَفْعَلُونَ، وَيَفْعَلُونَ مَا لَا يُؤْمَرُونَ، فَمَنْ جَاهَدَهُمْ بِيَدِهِ فَهُوَ مُؤْمِنٌ، وَمَنْ جَاهَدَهُمْ بِلِسَانِهِ فَهُوَ مُؤْمِنٌ، وَمَنْ جَاهَدَهُمْ بِقَلْبِهِ فَهُوَ مُؤْمِنٌ، وَلَيْسَ وَرَاءَ ذَلِكَ مِنَ الْإِيمَانِ حَبَّةُ خَرْدَلٍ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 50]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Walang anumang propeta na ipinadala ni Allāh sa isang kalipunan bago ko malibang nagkaroon siya mula sa kalipunan niya ng mga disipulo at mga kasamahan na humahawak sa sunnah niya at tumutulad sa utos niya. Pagkatapos tunay na [ang kalipunang] ito ay hinalilihan matapos na ng mga ito ng mga kahalili na nagsasabi ng hindi nila ginagawa at gumagawa ng hindi ipinag-uutos sa kanila. Kaya ang sinumang nakibaka laban sa kanila sa pamamagitan ng kamay niya, siya ay isang mananampalataya; ang sinumang nakibaka laban sa kanila sa pamamagitan ng dila niya, siya ay isang mananampalataya; at ang sinumang nakibaka laban sa kanila sa pamamagitan ng puso niya, siya ay isang mananampalataya. Wala na bukod para riyan na anumang pananampalataya na [singlaki ng] isang buto ng mustasa."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 50]
Nagpabatid ang Propeta (s) na walang anumang propeta na ipinadala ni Allāh sa isang kalipunan bago niya malibang nagkaroon ito mula sa kalipunan nito ng mga hinirang, mga tagaadya, at mga nakikibakang nagpapakawagas, na nararapat sa paghalili matapos nito, na humahawak sa kalakaran nito at tumutulad sa utos nito. Pagkatapos may darating matapos ng mga hinalinhan na iyon na mga taong walang kabutihan sa kanila, na nagsasabi ng hindi nila ginagawa at gumagawa ng hindi ipinag-uutos sa kanila. Kaya ang sinumang nakibaka laban sa kanila sa pamamagitan ng kamay niya, siya ay isang mananampalataya; ang sinumang nakibaka laban sa kanila sa pamamagitan ng dila niya, siya ay isang mananampalataya; at ang sinumang nakibaka laban sa kanila sa pamamagitan ng puso niya, siya ay isang mananampalataya. Wala na bukod para riyan na anumang pananampalataya na [singlaki ng] isang buto ng mustasa.