عن أبي هريرة رضي الله عنه أَنَّهُ سَمِعَ النَّبيَّ -صلّى اللهُ عليه وسَلَّم يقول-: «إن العبد ليتكلم بالكلمة ما يتبين فيها يزلُّ بها إلى النار أبعدَ مما بين المشرق والمغرب».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng pananalitang hindi siya nakatitiyak hinggil doon, na ikatitisod niya sa Impiyerno na higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na mayroon sa mga tao na hindi nag-iisip, kapag nagnais magsalita, kung ang pananalitang ito na sasabihin niya ay mabuti o hindi. Ang resulta ay na ang nagsasalitang ito ay nasasadlak sa ipinagbabawal dahil sa kawalan ng pag-iisip na ito. Isinusuong niya ang sarili niya sa parusa ni Allah sa apoy ng Impiyerno - magpakupkop kay Allah - at marahil babagsak siya sa Impiyerno sa layong higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran.