عن عبد الله بن عمرو وجابر بن عبد الله رضي الله عنهم مرفوعاً: «المسلمُ من سَلِمَ المسلمونُ من لسانهِ ويَدِهِ، والمهاجرُ من هَجَرَ ما نهى اللهُ عنهُ».
وعن أبي موسى رضي الله عنه قال: قلتُ: يا رسولَ اللهِ أَيُّ المسلمينَ أَفْضَلُ؟ قال: «مَنْ سَلِمَ المسلمونُ من لِسانِهِ وَيَدِهِ».
[صحيح] - [حديث عبد الله بن عمرو رضي الله عنه: متفق عليه.
حديث جابر رضي الله عنه: رواه مسلم.
حديث أبي موسى رضي الله عنه: متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kina `Abdullāh bin `Amr at Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang Muslim ay ang sinumang ligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang lumilikas ay ang sinumang umiwan ng ipinagbawal ni Allah." Ayon kay Abū Mūsā, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, alin sa mga Muslim ang pinakamainam?' Nagsabi siya: 'Ang sinumang ligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya.'"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang Muslim ay ang sinumang ligtas ang mga Muslim mula sa dila niya kaya naman hindi niya sila nilalait, hindi niya sila isinusumpa, hindi niya sila nililibak, at hindi siya naghahasik sa gitna nila ng anumang uri ng kasamaan at kasiraan. Naligtas sila sa kamay niya kaya naman hindi siya nangangaway sa kanila, hindi niya kinukuha ang mga ari-arian nila nang hindi ayon sa katarungan, at anumang kawangis niyon. Ang lumilikas ay ang sinumang umiwan sa ipinagbawal ni Allah.