+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قال:
جَاءَ نَاسٌ مِنْ أَصْحَابِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَسَأَلُوهُ: إِنَّا نَجِدُ فِي أَنْفُسِنَا مَا يَتَعَاظَمُ أَحَدُنَا أَنْ يَتَكَلَّمَ بِهِ، قَالَ: «وَقَدْ وَجَدْتُمُوهُ؟» قَالُوا: نَعَمْ، قَالَ: «ذَاكَ صَرِيحُ الْإِيمَانِ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 132]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May dumating na mga tao kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagtanong sila sa kanya: "Tunay na kami ay nakatatagpo sa mga sarili namin ng minamabigat ng isa sa amin na magsalita hinggil doon." Nagsabi siya: "Nakaranas nga kayo niyon?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Iyan ay ang kalantayan ng pananampalataya."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 132]

Ang pagpapaliwanag

May dumating na isang pangkat ng mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagtanong sila sa kanya tungkol sa natatagpuan nila sa mga sarili nila na mga malaking bagay na bumibigat sa kanila ang pagbigkas ng mga ito dahil sa kapangitan ng mga ito at pagkailang nila sa mga ito. Kaya nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na itong natagpuan ninyo ay kalantayan ng pananampalataya at katiyakan na nagtutulak sa inyo para sa pagpigil sa ipinupukol ng demonyo sa puso at sa pagmamasama ninyo sa pagbigkas at pagmamabigat niyon sa mga sarili ninyo. Tunay na ang demonyo ay hindi nakapanaig sa mga puso ninyo, na kasalungatan sa sinumang nakapanaig ang demonyo sa puso niya at hindi siya nakatagpo laban dito ng isang pagtatanggol."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa kahinaan ng demonyo sa mga may pananampalataya yayamang wala siyang nakaya kundi ang pagpapasaring.
  2. Ang hindi paniniwala at pagtanggap sa sumasagi sa sarili na mga pasaring sapagkat tunay na ang mga ito ay mula sa demonyo.
  3. Ang pasaring ng demonyo ay hindi nakapipinsala sa mananampalataya subalit humiling siya ng pagkupkop kay Allāh laban sa pagpapasaring nito at tumigil siya sa pagwawalang-bahala niyon.
  4. Hindi nararapat sa Muslim ang manahimik sa ikinasusuliranin sa kanya sa nauukol sa Relihiyon niya at nararapat sa kanya ang magtanong tungkol dito.
Ang karagdagan