+ -

عن ابن عباس رضي الله عنهما قال:
جاءَ رجُلُ إلى النبي صلى الله عليه وسلم فقال: يا رسولَ اللهِ، إن أحدنا يجدُ في نفسِهِ -يُعرِّضُ بالشَّيءِ- لأَن يكونَ حُمَمَةً أحَبُّ إليه من أن يتكلَّم بِهِ، فقال: «اللهُ أكبرُ، اللهُ أكبرُ، الحمدُ لله الذي ردَّ كيدَه إلى الوسوسَةِ».

[صحيح] - [رواه أبو داود والنسائي في الكبرى] - [سنن أبي داود: 5112]
المزيــد ...

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{May pumuntang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang isa sa amin ay nakatatagpo sa sarili niya ng nag-aalok ng bagay na ang maging uling siya ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa magsalita siya hinggil doon." Kaya naman nagsabi siya: "Si Allāh ay pinakadakila! Si Allāh ay pinakadakila! Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtulak sa panlalansi nito para maging pasaring."}

[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 5112]

Ang pagpapaliwanag

May pumuntang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang isa sa amin ay nakatatagpo sa sarili niya ng isang bagay na nangyayari sa sarili subalit ang pagsasalita kaugnay roon ay mabigat sa punto na ang maging abo ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa magsalita siya hinggil doon." Kaya naman nagdakila [kay Allāh] ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang dalawang ulit at nagpuri siya kay Allāh na nagtulak sa panlalansi ng demonyo tungo sa payak na pagpapasaring.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw na ang demonyo ay nag-aabang sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng panunulsol upang magtulak sa kanila mula sa pananampalataya tungo sa kawalang-pananampalataya.
  2. Ang paglilinaw sa kahinaan ng demonyo sa mga may pananampalataya yayamang hindi siya nakakaya kundi ng pagpapasaring.
  3. Ang mananampalataya ay nararapat sa kanya ang umayaw sa mga pasaring ng demonyo at ang magtulak ng mga ito.
  4. Ang pagkaisinasabatas ng pagdakila kay Allāh (takbīr) sa sandali ng pangyayari na minamaganda o ng paghanga mula sa kanya o anumang nakawangis nito na mga pangyayari.
  5. Ang pagkaisinasabatas ng pagtatanong ng Muslim sa maalam tungkol sa bawat anumang ikinasusuliranin sa kanya.
Ang karagdagan