عَن أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«يَأْتِي الشَّيْطَانُ أَحَدَكُمْ فَيَقُولُ: مَنْ خَلَقَ كَذَا؟ مَنْ خَلَقَ كَذَا؟ حَتَّى يَقُولَ: مَنْ خَلَقَ رَبَّكَ؟ فَإِذَا بَلَغَهُ فَلْيَسْتَعِذْ بِاللهِ وَلْيَنْتَهِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3276]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Darating ang demonyo sa isa sa inyo saka magsasabi ito: 'Sino ang lumikha ng ganito? Sino ang lumikha ng gayon?' hanggang sa magsabi ito: 'Sino ang lumikha sa Panginoon mo?' Kaya kapag umabot ito roon, humiling siya ng pagkupkop kay Allāh at tumigil na."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3276]
Nagpabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mabisang lunas sa mga pagtatanung-tanong na nagpapasaring sa pamamagitan ng mga ito ang demonyo sa mananampalataya. Magsasabi ang demonyo: "Sino ang lumikha ng ganito? Sino ang lumikha ng gayon? Sino ang lumikha ng langit? Sino ang lumikha ng lupa?" Kaya sasagot naman ang mananampalataya ayon sa relihiyon, naturalesa, at isip sa pamamagitan ng pagsabi niya na: "Si Allāh." Subalit ang demonyo ay hindi titigil sa hangganang ito ng mga pasaring; bagkus magpapalipat-lipat siya hanggang sa magsabi siya: "Sino ang lumikha sa Panginoon mo?" Kaya sa sandaling iyon, itutulak ng mananampalataya ang mga pasaring na ito sa pamamagitan ng tatlong bagay:
sa pamamagitan ng pananampalataya kay Allāh,
at pagdalangin ng pagpapakupkop kay Allāh laban sa demonyo,
at pagtigil sa pagpapatuloy sa mga pasaring.