+ -

عَنْ زَيْدِ بْنِ خَالِدٍ الجُهَنِيِّ رضي الله عنه أَنَّهُ قَالَ:
صَلَّى لَنَا رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ صَلَاةَ الصُّبْحِ بِالْحُدَيْبِيَةِ عَلَى إِثْرِ سَمَاءٍ كَانَتْ مِنَ اللَّيْلَةِ، فَلَمَّا انْصَرَفَ أَقْبَلَ عَلَى النَّاسِ، فَقَالَ: «هَلْ تَدْرُونَ مَاذَا قَالَ رَبُّكُمْ؟» قَالُوا: اللهُ وَرَسُولُهُ أَعْلَمُ، قَالَ: «أَصْبَحَ مِنْ عِبَادِي مُؤْمِنٌ بِي وَكَافِرٌ، فَأَمَّا مَنْ قَالَ: مُطِرْنَا بِفَضْلِ اللهِ وَرَحْمَتِهِ، فَذَلِكَ مُؤْمِنٌ بِي وَكَافِرٌ بِالْكَوْكَبِ، وَأَمَّا مَنْ قَالَ: بِنَوْءِ كَذَا وَكَذَا، فَذَلِكَ كَافِرٌ بِي وَمُؤْمِنٌ بِالْكَوْكَبِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 846]
المزيــد ...

Ayon kay Zayd bin Khālid Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dasal sa madaling-araw sa Ḥudaybīyah sa pagkalipas ng isang ulan na nangyari sa gabi, saka noong nakatapos siya ay humarap siya sa mga tao saka nagsabi: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi [si Allāh]: "Kinaumagahan, mayroon sa mga lingkod Ko na mananampalataya sa Akin at tagatangging-sumampalataya. Hinggil sa sinumang nagsabi na inulan kami dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya, iyon ay mananampalataya sa Akin at tagatangging-sumampalataya sa tala; at hinggil naman sa sinumang nagsabi na [inulan kami] dahil sa bituing ganito at gayon, iyon ay tagatangging-sumampalataya sa Akin at mananampalataya sa tala."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 846]

Ang pagpapaliwanag

Nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dasal sa madaling-araw sa Ḥudaybīyah, na isang nayong malapit sa Makkah, matapos ng isang ulan na bumuhos sa gabing iyon. Noong bumati siya at nagwakas sa pagdarasal niya, nagbaling siya sa mga tao ng mukha niya saka nagtanong sa kanila: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Kaya sumagot naman sila sa kanya: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Kaya nagsabi siya: "Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay naglinaw na ang mga tao ay nababahagi, sa sandali ng pagbaba ng ulan, sa dalawang bahagi: isang bahagi na mananampalataya kay Allāh (napakataas Siya) at isang bahagi na tagatangging sumampalataya kay Allāh (napakataas Siya)." Hinggil sa sinumang nagsabi: "Inulan kami dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya" at nag-ugnay ng pagpapababa ng ulan kay Allāh (napakataas Siya), iyon ay mananampalataya kay Allāh, ang Tagalikha na Tagapatnugot sa Sansinukob, at tagatangging-sumampalataya sa tala. Hinggil naman sa sinumang nagsabi: "Inulan kami dahil sa bituing ganito at gayon," iyon ay tagatangging-sumampalataya kay Allāh at mananampalataya sa tala. Ito ay isang maliit na kawalang-pananampalataya yayamang nag-ugnay siya ng pagpapababa ng ulan sa tala samantalang si Allāh ay hindi gumawa rito bilang kadahilanang pambatas ng Islām at pampagtatakda. Hinggil naman sa sinumang nag-uugnay ng pagbaba ng ulan at iba pa rito, na mga pangyayaring panlupa, sa mga pagkilus-kilos ng mga tala: sa mga pagsikat ng mga ito at paglubog ng mga ito, habang naniniwala na ang mga ito ang tunay na tagagawa, siya ay isang tagatangging sumampalataya ayon sa isang malaking kawalang-pananampalataya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsabi, matapos ng pagbaba ng ulan, ng: "Muṭirnā bi-faḍli –llāhi wa-raḥmatihi (Inulan tayo dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya)."
  2. Ang sinumang nag-ugnay ng biyaya ng pagpapababa ng ulan at iba rito sa tala sa paglikha o sa pagpapairal, siya ay isang tagatangging sumampalataya ayon sa isang malaking kawalang-pananampalataya. Kung nag-ugnay naman siya nito na iyon ay isang kadahilanan, siya ay isang tagatangging sumampalataya ayon sa isang maliit na kawalang-pananampalataya dahil iyon ay hindi isang kadahilanang legal ni pisikal.
  3. Ang biyaya ay nagiging isang kadahilanan ng kawalang-pananampalataya kapag tinanggihang pasalamatan at nagiging isang kadahilanan ng pananampalataya kapag pinasalamatan.
  4. Ang pagsaway laban sa pagsabi ng: "Inulan kami dahil sa bituing ganito" kahit pa man tinukoy rito ang oras, bilang pagpinid sa nagbibigay-dahilan sa shirk.
  5. Ang pagkakinakailangan ng pagkahumaling ng puso kay Allāh (napakataas Siya) sa pagtamo ng mga biyaya at pagtaboy ng mga salot.
Ang karagdagan