عَنْ عَائِشَةَ رضي الله عنها قَالَتْ:
قُلْتُ: يَا رَسُولَ اللهِ، ابْنُ جُدْعَانَ كَانَ فِي الْجَاهِلِيَّةِ يَصِلُ الرَّحِمَ، وَيُطْعِمُ الْمِسْكِينَ، فَهَلْ ذَاكَ نَافِعُهُ؟ قَالَ: «لَا يَنْفَعُهُ، إِنَّهُ لَمْ يَقُلْ يَوْمًا: رَبِّ اغْفِرْ لِي خَطِيئَتِي يَوْمَ الدِّينِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 214]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, si Ibnu Jud`ān noon sa Panahon ng Kamangmangan ay nakikiugnay sa kaanak at nagpapakain ng dukha. Kaya iyan kaya ay magpapakinabang sa kanya?" Nagsabi siya: "Hindi ito magpapakinabang sa kanya. Tunay na siya ay hindi nagsabi isang araw man lang ng: Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng kasalanan ko sa Araw ng Pagtutumbas."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 214]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol kay `Abdullāh bin Jud`ān, na noon ay kabilang sa mga pinuno ng liping Quraysh bago ng Islām. Kabilang sa mga gawain niyang maganda ay na siya ay nakikiugnay sa mga kamag-anak niya, gumagawa ng maganda sa kanila, nagpapakain ng mga dukha, at gumagawa ng iba pa sa mga ito kabilang sa mga mainam na gawain na hinimok ng Islām na gawin, ngunit ang mga gawang ito ay hindi magpapakinabang sa kanya sa Kabilang-buhay niya. Iyon ay dahilan sa kawalang-pananampalataya niya kay Allāh at na siya ay hindi nagsabi isang araw man lamang ng: "Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng kasalanan ko sa Araw ng Pagtutumbas."