عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«بَادِرُوا بِالْأَعْمَالِ فِتَنًا كَقِطَعِ اللَّيْلِ الْمُظْلِمِ، يُصْبِحُ الرَّجُلُ مُؤْمِنًا وَيُمْسِي كَافِرًا، أَوْ يُمْسِي مُؤْمِنًا وَيُصْبِحُ كَافِرًا، يَبِيعُ دِينَهُ بِعَرَضٍ مِنَ الدُّنْيَا».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 118]
المزيــد ...
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Magdali-dali kayo sa mga [maayos na] gawain [bago kayo dapuan ng mga ligalig] gaya ng mga piraso ng gabing madilim, na uumagahin ang lalaki bilang mananampalataya at gagabihin siya bilang tagatangging sumampalataya o gagabihin siya bilang mananampalataya at uumagahin siya bilang tagatangging sumampalataya, na nagbebenta ng Relihiyon kapalit ng isang paninda mula sa kamunduhan."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 118]
Humihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mananampalataya sa pakikipagmabilisan at pagpaparami ng mga maayos na gawain bago magsaimposible ang mga ito at magpakaabala palayo sa mga ito dahil sa pagdating ng mga sigalot at mga mapaghihinalaan na pipigil sa mga ito at babalakid sa mga ito. Ito ay dilim na gaya ng mga piraso ng gabi, na magkakahalu-halo sa mga ito ang katotohanan at ang kabulaanan kaya hihirap sa mga tao ang pag-alam sa kaibahan sa pagitan ng dalawang ito. Dahil sa katindihan ng mga ito, matutuliro ang tao hanggang sa tunay na siya ay uumagahin bilang mananampalataya at gagabihin bilang tagatangging sumampalataya o gagabihin bilang mananampalataya at uumagahin bilang tagatangging sumampalataya, na mag-iiwan ng Relihiyon niya dahil sa naglalahong natatamasa mula sa kamunduhan.