عَنْ أُمِّ عَطِيَّةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهَا قَالَتْ:
نُهِينَا عَنِ اتِّبَاعِ الجَنَائِزِ، وَلَمْ يُعْزَمْ عَلَيْنَا.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1278]
المزيــد ...
Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Sinaway kami laban sa pagdalo sa mga libing at hindi ito iginiit sa amin.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1278]
Nagpapabatid si Ummu `Aṭīyah Al-Anṣārīyah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (s) ay sumaway sa mga babae laban sa paglalakad kasabay ng mga libing. Iyon ay dahil sa kinatatakutan niya kaugnay roon na sigalot para sa kanila at dahil sa kanila at kakauntian ng pagtitiis nila. Pagkatapos nagpabatid pa ito (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (s) ay hindi nagbigay-katiyakan sa pagbabawal gaya ng ginagawa niya sa nalalabi sa mga sinasaway.