عن عائشة رضي الله عنها مرفوعًا: «إِذَا أَرَادَ اللهُ بِالأمِيرِ خَيرًا، جَعَلَ لَهُ وَزِيرَ صِدقٍ، إِنْ نَسِيَ ذَكَّرَهُ، وَإِنْ ذَكَرَ أَعَانَهُ، وَإِذَا أَرَادَ بِهِ غَيرَ ذَلِكَ جَعَلَ لَهُ وَزِيرَ سُوءٍ، إِنْ نَسِيَ لَمْ يُذَكِّرهُ، وَإِنْ ذَكَرَ لَمْ يُعِنْهُ».
[صحيح] - [رواه أبو داود]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu- (Kapag inibig ni Allah sa isang pinuno ang Kabutihan,itatalaga niya sa kanya ang isang ministro na tapat,Kapag siya ay nakalimot,paalalahanan siya at kapag nakaalala siya ay tutulungan siya.At kapag inibig Niya ang bukod dito,itatalaga Niya sa kanya ang isang Ministro na masama,Kapag siya ay nakalimot,hindi siya paalalahanan,at kapag nakaalala siya,hindi niya ito tutulungan.))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:"Kapag inibig ni Allah sa isang pinuno ang Kabutihan",At patungkol sa sinabi niyang:" at kapag niloob sa kanya ang maliban doon" ibig sabihin ay bukod sa mabuti,na niloob Niya sa Kanya ang masama, at ipinahayag ito sa pamamagitan ng pagbanggit ng kilos sa pagdalisay sa pag-iwas ng masama; dahil kapag umiwas siya ay babanggitin ang pangalan nito-ang kasamaan-dahil sa katakot-takot at kilabot nito.kaya,ang pag-iwas sa pinapangalanan dito ay higit na nauuna, at ang paggamit ng panghalip na pamatlig na "doon" na ang tinatalakay ay para sa malayuan,napapaloob rito ang pagdadakila sa kabutihan,pagpapataas sa antas nito,at paghihimok sa kahilingan niya at pagpupunyagi sa pagkamit nito.Ang resulta nito ay: " Magtatalaga Siya sa kanya ng ministrong masama" at ang ipinapahiwatig sa ministrong masama ay sa pananalita, at gawa.kabaligtaran ng unang nabanggit laban sa kanya. " Kapag nakalimot siya" ibig sabihin ay: naiwanan ang anumang bagay na nararapat mula rito," hindi niya ito ipaaalala sa kanya" ang tungkol dito,Dahil wala sa kanya ang liwanag sa puso,na magdadala sa kanya doon." At kung ipaalala man niya ito,hindi rin niya tutulungan ito" bagkus ay magpupunyagi siya sa paglihis sa kanya;Dahil sa likas na kasagwaan nito at masamang gawain nito.