عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رضي الله عنهما قَالَ:
مَرَّ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِقَبْرَيْنِ، فَقَالَ: «إِنَّهُمَا لَيُعَذَّبَانِ، وَمَا يُعَذَّبَانِ فِي كَبِيرٍ، أَمَّا أَحَدُهُمَا فَكَانَ لاَ يَسْتَتِرُ مِنَ البَوْلِ، وَأَمَّا الآخَرُ فَكَانَ يَمْشِي بِالنَّمِيمَةِ» ثُمَّ أَخَذَ جَرِيدَةً رَطْبَةً، فَشَقَّهَا نِصْفَيْنِ، فَغَرَزَ فِي كُلِّ قَبْرٍ وَاحِدَةً، قَالُوا: يَا رَسُولَ اللَّهِ، لِمَ فَعَلْتَ هَذَا؟ قَالَ: «لَعَلَّهُ يُخَفِّفُ عَنْهُمَا مَا لَمْ يَيْبَسَا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 218]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Naparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang libingan saka nagsabi siya: "Tunay na silang dalawa ay talagang pinagdurusa. Hindi silang dalawa pinagdurusa kaugnay sa isang malaking kasalanan. Hinggil sa isa sa kanilang dalawa, siya noon ay hindi nagtatakip sa pag-ihi. Hinggil naman sa isa pa, siya noon ay naglalako ng paninirang-puri." Pagkatapos kumuha siya ng isang sariwang palapa saka naghati siya nito sa dalawang hati saka nagtusok sa bawat libingan ng isa. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, bakit mo ginawa iyan?" Nagsabi siya: "Harinawang iyan ay magpapagaan para sa kanilang dalawa hanggat hindi natuyo."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 218]
Naparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang libingan saka nagsabi siya: Tunay na ang dalawang nakalibing sa dalawang libingang ito ay talagang pinagdurusa. Hindi silang dalawa pinagdurusa kaugnay sa isang malaking bagay sa paningin ninyo, kahit pa ito ay malaki sa ganang kay Allāh. Hinggil sa isa sa kanilang dalawa, siya noon ay hindi nagpapahalaga sa pag-iingat sa katawan niya at mga kasuutan niya sa talsik ng ihi kapag tumutugon siya sa tawag ng kalikasan niya. Ang isa naman ay naglalako noon ng paninirang-puri sa mga tao sapagkat nagpapaabot siya ng pananalita ng ibang tao nang may pakay na makapinsala at makapagsadlak ng alitan at panlilibak sa pagitan ng mga tao.