+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم أنه قال:
«مَنْ ‌خَرَجَ ‌مِنَ ‌الطَّاعَةِ، وَفَارَقَ الْجَمَاعَةَ فَمَاتَ، مَاتَ مِيتَةً جَاهِلِيَّةً، وَمَنْ قَاتَلَ تَحْتَ رَايَةٍ عِمِّيَّةٍ، يَغْضَبُ لِعَصَبَةٍ، أَوْ يَدْعُو إِلَى عَصَبَةٍ، أَوْ يَنْصُرُ عَصَبَةً، فَقُتِلَ، فَقِتْلَةٌ جَاهِلِيَّةٌ، وَمَنْ خَرَجَ عَلَى أُمَّتِي، يَضْرِبُ بَرَّهَا وَفَاجِرَهَا، وَلَا يَتَحَاشَى مِنْ مُؤْمِنِهَا، وَلَا يَفِي لِذِي عَهْدٍ عَهْدَهُ، فَلَيْسَ مِنِّي وَلَسْتُ مِنْهُ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1848]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang naghimagsik laban sa pagtalima at nakipaghiwalay sa komunidad saka namatay, namatay siya sa pagkamatay na pangmangmang. Ang sinumang nakipaglaban sa ilalim ng pangmakabulag na watawat: nagagalit dahil sa bulag na pagkamakalahi o nagtataguyod para sa lipi o nag-aadya sa lipi saka napatay, pagkamatay na pangmangmang ito. Ang sinumang naghimagsik sa Kalipunan ko: nananaga ng mabuting-loob nito at masamang-loob nito at hindi nangingimi sa mananampalataya nito at hindi tumutupad sa may kasunduan sa kasunduan dito, hindi siya kabilang sa akin at hindi ako kabilang sa kanya."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1848]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang naghimagsik laban sa pagtalima sa mga nakatalaga sa mga pamamahala at nakipaghiwalay sa komunidad ng Islām na nagkasang-ayon sa pangako ng katapatan sa pinuno, saka namatay sa kalagayang iyon na pakikipaghiwalay at kawalan ng pagtalima, namatay siya sa pagkamatay ng mga kampon ng Kamangmangan, na hindi tumatalima sa isang pinuno at hindi lumalahok sa iisang komunidad, bagkus sila ay mga pangkatin at mga pulutong na nakikipaglaban sa isa't isa sa kanila.
لا شيء في الحقل Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakipaglaban sa ilalim ng watawat na hindi nalilinawan dito ang punto ng katotohanan sa kabulaanan: nagagalit siya dahil sa payak na panatisismo sa lahi niya o lipi niya, hindi dahil sa pag-aadya sa Relihiyon at katotohanan, kaya naman nakikipaglaban siya dala ng panatisismong walang pagkatalos at kaalaman, kapag napatay siya sa kalagayang iyon, ito ay gaya ng pagkapatay sa Kamangmangan.
Ang sinumang naghimagsik sa Kalipunan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): nananaga ng maayos nito at masamang-loob nito, hindi nag-aalintana sa ginagawa niya, hindi nangangamba sa kaparusahan sa kanya sa pagpatay sa mananampalataya nito, hindi tumutupad sa mga may kasunduan kabilang sa mga tagatangging sumampalataya o sa mga nakatalaga sa mga pamamahala sa kasunduan sa kanila, bagkus sumisira sa mga ito; ito ay kabilang sa malalaking kasalanan at ang sinumang gumawa nito ay naging karapat-dapat nga sa matinding bantang ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagtalima sa mga nakatalaga sa mga pamamahala ay kinakailangan kapag hindi pagsuway kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
  2. Dito ay may isang matinding pagbibigay-babala laban sa sinumang naghimagsik laban sa pagtalima sa pinuno at nakipaghiwalay sa komunidad ng mga Muslim sapagkat kapag namatay siya sa kalagayang ito ay namatay siya ayon sa paraan ng mga kampon ng Kamangmangan.
  3. Nasa ḥadīth din ang pagsaway laban sa pakikipaglaban para sa bulag na pagkamakalahi.
  4. Ang pagkakinakailangan ng pagtupad sa mga kasunduan.
  5. Nasa pagtalima at pananatili sa komunidad ang maraming kabutihan, ang katiwasayan, ang kapanatagan, at ang kaayusan ng mga kalagayan.
  6. Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa mga kalagayan ng mga kampon ng Kamangmangan.
  7. Ang pag-uutos ng pananatili sa komunidad ng mga Muslim.
Ang karagdagan