+ -

عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «إذا أصْبَح ابن آدَم، فإن الأعضاء كلَّها تَكْفُرُ اللِّسان، تقول: اتَّقِ الله فِينَا، فإنَّما نحن بِك؛ فإن اسْتَقَمْتَ اسْتَقَمْنَا، وإن اعْوَجَجْت اعْوَجَجْنَا».
[صحيح] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya: "Kapag inumaga ang anak ni Adan, tunay na ang mga bahagi ng katawan, ang lahat ng mga ito, ay nagpapakumbaba sa dila, na nagsasabi: Mangilag kang magkasala alang-alang sa amin sapagkat kami ay nasa iyo lamang kaya kung nagpakatuwid ka, magpapakatuwid kami; at kung nabaluktot ka, mababaluktot kami."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth: Ang lahat ng mga bahagi ng katawan ay nagpapakumbaba at nagpapasailalim sa dila. Ang mga ito ay sumusunod sa dila. Dahil dito, sasabihin mo kapag nag-umaga: "Mangilag kang magkasala alang-alang sa amin sapagkat kami ay nasa iyo lamang..." Kaya naman ang dila ay ang pinakamatindi sa mga bahagi ng katawan sa panaganib sa may-ari nito. Kung nagpakatuwid ito, magpapakatuwid ang lahat ng mga bahagi ng katawan at magiging matuwid ang lahat ng mga gawa nito. Kapag lumihis ang dila, lilihis ang lahat ng bahagi ng katawan at masisira ang lahat ng mga gawa nito. Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Hindi magpapakatuwid ang pananampalataya ng isang tao hanggang sa magpakatuwid ang puso niya, at hindi magpapakatuwid ang puso niya hanggang sa magpagkatuwid ang dila niya." Sa paksang ito ay may maraming ḥadīth na nagpapatunay sa panganib ng dila. Ito ay maaaring kaligayahn sa may-ari nito, at maaari ring parusa sa kanya. Kung isinailalim niya ito sa pagtalima kay Allah, ito ay magiging kaligayahan sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Kung ginamit niya ito sa anumang hindi ikinalulugod ni Alalh, pagkataas Niya, ito ay magiging panghihinayangan niya sa Mundo at Kabilang-buhay. [Mirqāh Al-Mafātīḥ Sharḥ Mishkāh Al-Maṣābīḥ ni Al-Qārī Tomo 7/3040.]

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin