+ -

عَنْ سُلَيْمَانَ بْنِ صُرَدٍ رضي الله عنه قَالَ:
كُنْتُ جَالِسًا مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَرَجُلاَنِ يَسْتَبَّانِ، فَأَحَدُهُمَا احْمَرَّ وَجْهُهُ، وَانْتَفَخَتْ أَوْدَاجُهُ، فَقَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «إِنِّي لَأَعْلَمُ كَلِمَةً لَوْ قَالَهَا ذَهَبَ عَنْهُ مَا يَجِدُ، لَوْ قَالَ: أَعُوذُ بِاللَّهِ مِنَ الشَّيْطَانِ، ذَهَبَ عَنْهُ مَا يَجِدُ» فَقَالُوا لَهُ: إِنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: «تَعَوَّذْ بِاللَّهِ مِنَ الشَّيْطَانِ»، فَقَالَ: وَهَلْ بِي جُنُونٌ؟

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3282]
المزيــد ...

Ayon kay Sulaymān bin Ṣurad (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ako minsan ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang may dalawang lalaking nag-aalipustaan. Ang isa sa kanila ay namula ang mukha niya at namintog ang mga ugat niya sa leeg. Kaya naman nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay talagang nakaaalam ng isang pangungusap na kung sakaling sinabi niya ay aalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya. Kung sakaling nagsabi siya ng: A`ūdhu bi-llāhi mina -shhayṭān (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyo), maaalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya." Kaya nagsabi sila rito: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Magpakapalakupkop ka kay Allāh laban sa demonyo." Kaya nagsabi ito: "Sa akin kaya ay may kabaliwan?"}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3282]

Ang pagpapaliwanag

May nag-alipustaan at naglaitan na dalawang lalaki sa harap ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Namula nga ang mukha ng isa sa kanilang dalawa at namintog ang mga ugat niyang nakapalibot sa leeg niya.
Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay talagang nakaaalam ng isang pangungusap na kung sakaling sinabi niya, ang galit na ito ay talagang maaalis palayo sa kanya. Kung sakaling nagsabi siya: A`ūdhu bi-llāhi mina -shhayṭāni -rrajīm (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong isinumpa)."
Kaya nagsabi sila rito: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Magpakapalakupkop ka kay Allāh laban sa demonyo."
Kaya nagsabi ito: "Baliw ba ako?" Nagpalagay siya na walang humihiling ng pagkupkop kay Allāh laban sa demonyo kundi ang sinumang may kabaliwan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang sigasig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa paggabay at pagpapanuto sa sandali ng pagkairal ng kadahilanan nito.
  2. Ang galit ay mula sa demonyo.
  3. Ang pag-uutos ng paghiling ng pagkupkop kay Allāh laban sa demonyong isinumpa sa sandali ng pagkagalit. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 41:36): {Kung may magbubuyo nga sa iyo mula sa demonyo na isang pambubuyo ay humiling ka ng pagkukupkop kay Allāh; ...}
  4. Ang pagbibigay-babala laban sa pang-aalipusta at anumang nakawawangis nito na pagsumpa at pagpapalayo ng loob ng dalawang ito dahil ang dalawang ito ay magpapahantong sa mga kaguluhan sa pagitan ng mga tao.
  5. Ang pagpapaabot ng payo sa sinumang hindi nakarinig nito upang makinabang siya sa anumang nakasaad dito.
  6. Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagkagalit dahil ito ay nagtutulak tungo sa kasamaan at kawalang-pakundangan. Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagagalit maliban na yurakan ang mga pinakababanal ni Allāh (napakataas Siya). Ito ang pagkagalit na napapupurihan.
  7. Nagsabi si Imām An-Nawawīy hinggil sa sabi nito: "Nakakikita ka kaya sa akin ng isang kabaliwan" ay nagsasaposibilidad na ang nagsasalitang ito ay kabilang sa mga mapagpaimbabaw o kabilang sa mga garapal ng mga Arabeng disyerto.