+ -

عن أنس رضي الله عنه أن أم الرُّبيع بنت البراء وهي أم حارثة بن سُراقة، أتَت النبي صلى الله عليه وسلم فقالت: يا رسول الله، ألا تُحَدِّثُنِي عن حارثة -وكان قُتِل يوم بَدْرٍ- فإن كان في الجنَّة صَبَرْت، وإن كان غير ذلك اجْتَهَدْتُ عليه في البُكَاء، فقال: «يا أم حارثة، إنها جِنَان في الجنة، وإن ابْنَك أصَاب الفِردَوْس الأعلى».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Si Umm Ar-Rabī` bint Al-Barrā`, ang ina ni Ḥārithah na anak ni Surāqah, ay pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: O Sugo ni Allah, hindi mo ba ako kukuwentuhan ng tungkol kay Ḥārithah - na napatay noon Araw ng Badr; kung siya ay nasa Paraiso, matitiis ko; at kung siya ay hindi gayon, magpupunyagi ako dahil sa kanya sa pag-iyak. Nagsabi siya: O ina ni Ḥārithah, tunay na may mga paraiso sa Paraiso at tunay na ang anak mo ay nagkamit ng Kataas-taasang Firdaws."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng Hadith;Tunay na si ni Ḥārithah na anak ni Surāqah, malugod si Allah sa kanya-siya ay namatay sa araw ng Badr dahil sa palaso na ligaw na hindi alam ang pinanggalingan nito,Dumating ang ina niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagtatanong sa kanya tungkol sa lagay niya,at natakot siya na hindi siya mapabilang sa mga Martir,Dahil napatay siya sa paghahagis na hindi [siya ang] sadya,at hindi rin kabilang sa mga dumalo sa paghihimagsik,Ayon sa naging hayag sa Hadith:" At siya ay napatay sa Araw ng Badr,tinamaan siya ng palaso na ligaw"ibig sabihin ay: Hindi alam ang naghagis nito,o hindi alam kung saan ito nanggaling. At sa salaysay ni Imam Ahmad at Imam An-Nisa-ie;Ayon kay Anas-malugod si Allah sa kanya-" Tunay na si Harithah ay lumabas na Manlalantaw [ibig sabihin ay;kabilang sa nakiusap sa mataas na lugar na tumitingin sa mga kaaway,at magbabalita sa mga kalagayan nila] tumama sa kanya ang palaso at napatay siya nito,"Dahil dito ay sinabi niya-malugod si Allah sa kanya-" kung siya ay nasa Paraiso, matitiis ko"ibig sabihin ay,magtitiis ako sa pagkawala niya,at hihilingin ko ang gantimpala mula kay Allah,na may kasiyahan sa pagkamatay niya sa daan ni Allah,at pagtagumpay niya sa pagiging Martir."at kung siya ay hindi gayon, magpupunyagi ako dahil sa kanya sa pag-iyak." dahil nawala siya sa akin,at nawala ang buhay niya na walang katuturan."Nagsabi siya: O ina ni Ḥārithah, tunay na may mga paraiso " ibig sabihin ay araming Paraiso,Tulad ng naisalaysay na hayag sa salaysay ni Imam Al-Bukhari " Nag-iisang Paraiso ba ito" Ito ay maraming Paraiso, at tunay na siya ay nagkamit ng Kataas-taasang Firdaws." at ang tinutukoy dito ay;lugar na nakatalaga sa Paraiso.ito ang pinakamainam nito at pianakamataas nito.Kung-kaya`t sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag humiling kayo kay Allah,Hilingin ninyo ang Fidaws,sapagkat ito ay gitna ng Paraiso at pinakamataas na Paraiso,sa taas nito ay Arash [Kaharian ni Allah] ang Mahabagin,at dito ay nagsisidaloy ang mga ilog ng Paraiso"At ang kahulugan ng Gitna ng Paraiso,ang pinakamganda nito at pinakamainam nito at pinakamalawak nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan