+ -

عَنْ أَبِي الدَّرْدَاءِ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«أَلاَ أُنَبِّئُكُمْ بِخَيْرِ أَعْمَالِكُمْ، وَأَزْكَاهَا عِنْدَ مَلِيكِكُمْ، وَأَرْفَعِهَا فِي دَرَجَاتِكُمْ وَخَيْرٌ لَكُمْ مِنْ إِنْفَاقِ الذَّهَبِ وَالوَرِقِ، وَخَيْرٌ لَكُمْ مِنْ أَنْ تَلْقَوْا عَدُوَّكُمْ فَتَضْرِبُوا أَعْنَاقَهُمْ وَيَضْرِبُوا أَعْنَاقَكُمْ؟» قَالُوا: بَلَى. قَالَ: «ذِكْرُ اللهِ تَعَالَى».

[صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي: 3377]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abu Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, pinakabusilak sa mga ito sa ganang May-ari ninyo, pinakaangat sa mga ito sa mga antas ninyo, pinakamabuti para sa inyo kaysa sa paggugol ng ginto at pilak, at pinakamabuti para sa inyo kaysa sa makitagpo kayo sa kaaway ninyo para tumaga kayo ng mga leeg nila at tumaga sila ng mga leeg nila?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Ang pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya)."}

[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 3377]

Ang pagpapaliwanag

Nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: لا شيء في هذا الحقل
"Nagnanais ba kayo na magpabatid ako sa inyo at magpaalam ako sa inyo hinggil sa pinakamainam sa mga gawa ninyo, pinakamarangal sa mga ito, pinakamalago sa mga ito, pinakadalisay sa mga ito, pinakapuro sa mga ito sa ganang kay Allāh, ang Tagapagmay-ari (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), لا شيء في هذا الحقل
pinakaangat sa mga ito sa mga tahanan ninyo sa Paraiso,
pinakamabuti para sa inyo kaysa sa pagkakawanggawa ng ginto at pilak,
at pinakamabuti para sa inyo kaysa makipagtagpo kayo sa mga tagatangging sumampalataya para makipaglaban para tumaga kayo sa mga leeg nila at tumaga sila sa mga leeg ninyo?
Nagsabi ang mga Kasamahan: "Opo, nagnanais kami niyon."
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) sa lahat ng mga oras at sa lahat ng mga anyo at mga kalagayan."

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpapamalagi sa pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) nang lantaran at nang pakubli ay kabilang sa pinakadakila sa paglapit at pinakakapaki-pakinabang dito sa ganang kay Allāh.
  2. Ang lahat ng mga gawain ay isinabatas lamang para sa pagpapanatili sa pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya). Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {magpanatili ka ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.} (Qur'ān 20:14) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ginawa lamang ang pag-ikot sa Bahay [ni Allāh], ang pagpabalik-balik sa pagitan ng Ṣafā at Marwah, at ang pagpukol sa mga jamrah para sa pagpapanatili ng pag-alaala kay Allāh." (Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.)
  3. Nagsabi si Al-`Izz bin `Abdissalām sa Qawā`id (Mga Panuntunan) niya: "Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa nagpapatunay na ang gantimpala ay hindi inireresulta ng sukat ng pagpapakapagal sa lahat ng mga pagsamba; bagkus maaaring magpabuya si Allāh (napakataas Siya) sa kaunti ang mga gawa ng higit kaysa sa ipinapabuya Niya sa marami ang mga ito sapagkat ang gantimpala ay inireresulta ng pagkakaibahan ng rangko sa karangalan."
  4. Nagsabi naman si Al-Munawī sa Fayḍ Al-Qadīr: "Ang ḥadīth na ito ay naipakakahulugan na ang pag-alaala ay higit na mainam para sa mga pinatungkulan dito. Kung sakaling may pinatungkulan dito na isang matapang na magiting na natamo sa pamamagitan niya ang pakinabang ng Islām sa pakikipaglaban, talagang sinasabi sana sa kanya ang makibaka; o ang mayamang nagpapakinabang sa mga maralita ng yaman niya, sasabihin sa kanya ang magkawanggawa; o ang nakakakaya sa pagsasagawa ng ḥajj, sasabihin sa kanya ang magsagawa ng ḥajj; o ang sinumang may mga magulang, sasabihin sa kanya ang magsamabuting-loob ka sa kanila. Sa pamamagitan nito natatamo ang pagtutuon sa tama sa pagitan ng mga pabatid."
  5. Ang pinakakumpletong pag-alaala ay ang binigkas ng dila kasama ng pagninilay-nilay ng puso, pagkatapos ang sa pamamagitan ng puso lamang gaya ng pag-iisip-isip, pagkatapos ang sa pamamagitan ng dila lamang. Sa bawat isa ay may pabuya kung loloobin ni Allāh (napakataas Siya).
  6. Ang pananatili ng Muslim sa pagsambit ng mga pag-aalaalang nauugnay sa mga kalagayan gaya ng mga dhikr sa umaga at gabi; sa pagpasok sa masjid, bahay, at palikuran; sa paglabas mula rito; at sa iba pa rito ay gumagawa sa kanya na maging kabilang sa mga nag-aalaala kay Allāh nang madalas.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin