+ -

عن معاوية بن حيدة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «ويل للذي يحدث فيكذب؛ ليضحك به القوم، ويل له، ثم ويل له».
[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد والنسائي في الكبرى]
المزيــد ...

Ayon kay Mu`āwiyah bin Ḥaydah, malugod si Allah sa kanya: "Kapighatian sa nagsasalita at nagsisinungaling upang matawa ang mga tao! Kapighatian sa kanya, pagkatapos ay kapighatian sa kanya!"
[Maganda] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

May nasasaad sa hadith na matinding babala laban sa pagsisinungaling at banta ng kapahamakan sa nahihirati sa pagsisinungaling para magbiro at magpatawa sa mga tao. Ito ay kabilang sa pinakapangit sa mga pangit na gawain. Ipinagdidiinan ang pagbabawal rito sapagkat ito ay kabilang sa mga masagwang kaasalan na kinakailangang iwaksi ng mananampalataya, layuan, at linisin ang dila sa pagsisinungaling sa lahat ng kalagayan, maliban sa pinahintulutan ni Allah. Kung papaanong ipinagbabawal ang pagsasalita ng kasinungalingan para magbiro, gayon din ipinagbabawal sa mga tagapakinig ang pakikinig nito kapag nalaman nilang kasinungalingan ito, bagkus kinakailangang masamain nila ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin