+ -

عن معاوية رضي الله عنه قال: سمعت النبي صلى الله عليه وسلم يقول:
«مَنْ يُرِدِ اللهُ بِهِ خَيْرًا يُفَقِّهْهُ فِي الدِّينِ، وَإِنَّمَا أَنَا قَاسِمٌ، وَاللهُ يُعْطِي، وَلَنْ تَزَالَ هَذِهِ الْأُمَّةُ قَائِمَةً عَلَى أَمْرِ اللهِ، لَا يَضُرُّهُمْ مَنْ خَالَفَهُمْ، حَتَّى يَأْتِيَ أَمْرُ اللهِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 71]
المزيــد ...

Ayon kay Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang sinumang nagnais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, magpapaunawa Siya sa kanya sa Relihiyon. Ako ay tagapaghati lamang at si Allāh ay nagbibigay. Hindi matitigil ang Kalipunang ito bilang tagapagtaguyod sa utos ni Allāh, na hindi pipinsala sa kanila ang sinumang sumalungat sa kanila, hanggang sa dumating ang utos ni Allāh."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 71]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagnais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, tunay na Siya ay magtutustos sa kanya ng isang pagkaintindi sa Relihiyon Niya (kaluwalhatian sa Kanya); na ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay tagapaghating maghahari at mamamahagi ng ibibigay sa kanya ni Allāh (napakataas Siya) na panustos, kaalaman, at iba pa; na ang tagapagbigay, sa katunayan, ay si Allāh samantalang ang mga iba pa sa Kanya ay mga kadahilanang hindi nagpapakinabang malibang ayon sa pahintulot ni Allāh; at na hindi matitigil ang Kalipunang ito [ng Islām] bilang tagapagtaguyod sa utos ni Allāh, na hindi pipinsala sa kanila ang sinumang sumalungat sa kanila, hanggang sa sumapit ang Huling Sandali.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kadakilaan at ang kalamangan ng kaalamang pangkapahayagan, ang pagkatuto nito, at ang paghimok dito.
  2. Ang pagtataguyod sa katotohanan ay walang pagkaiwas sa kairalan nito sa Kalipunang ito [ng Islām]. Kapag nag-iwan nito ang isang pangkatin, magtataguyod dito ang iba roon.
  3. Ang pagpapakaunawa sa Relihiyon ay bahagi ng pagnanais ni Allāh (napakataas Siya) ng kabutihan sa lingkod Niya.
  4. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagbibigay lamang ayon sa utos at kalooban ni Allāh at siya ay hindi nagmamay-ari ng anuman.