+ -

عن أبي أيوب رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«مَنْ قَالَ: لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ وَحْدَهُ لَا شَرِيكَ لَهُ، لَهُ الْمُلْكُ وَلَهُ الْحَمْدُ وَهُوَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ، عَشْرَ مِرَارٍ كَانَ كَمَنْ أَعْتَقَ أَرْبَعَةَ أَنْفُسٍ مِنْ وَلَدِ إِسْمَاعِيلَ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2693]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Ayyūb (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)' na nagsabi:
"Ang sinumang nagsabi ng Lā ilāha illa ­–llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu ­–lmulku wa-lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan) nang sampung ulit, siya ay naging gaya ng sinumang nagpalaya ng apat na tao kabilang sa mga anak ni Ismael."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2693]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi ng Lā ilāha illa ­–llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu ­–lmulku wa-lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan). Ang kahulugan nito: Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – at na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang natatangi sa paghaharing lubos, ang karapat-dapat sa pagbubunyi at pagpapapuri kasama ng pag-ibig at pagdakila bukod sa sinumang iba pa sa Kanya, at na Siya ay Nakakakaya, na walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. Ang sinumang nag-ulit-ulit sa dakilang dhikr na ito nang sampung beses sa isang araw, magkakaroon siya ng pabuyang tulad ng pabuya ng sinumang nag-alis ng pagkaalipin sa apat na inaliping kabilang sa mga supling ni Ismael na anak ni Abraham (sumakanilang dalawa ang basbas at ang pangangalaga). Itinangi ang mga supling ni Ismael (sumakanya ang pangangalaga) dahil sila ay higit na marangal kaysa sa iba.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية اللينجالا
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman nitong dhikr na naglalaman ng pagbubukod-tangi kay Allāh (napakataas Siya) sa pagkadiyos, paghahari, papuri, at ganap na kakayahan.
  2. Magtatamo ng gantimpala sa dhikr na ito ang sinumang nagsabi nito nang magkakasunud-sunod o magkakahiwa-hiwalay.