عن أبي هريرة رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «مَنْ قَالَ: سُبْحَانَ اللَّهِ وَبِحَمْدِهِ في يومٍ مِائَةَ مَرَّةٍ حُطَّتْ عَنْهُ خَطَايَاهُ وَإِنْ كَانَتْ مِثْلَ زَبَدِ الْبَحْرِ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nagsabi ng: Subhā llāhi wa bihmadih (Napakamaluwalhati ni Allah at kalakip ng papuri sa Kanya) nang isandaang ulit sa isang araw ay maaalis ang mga kamalian niya kahit pa man singdami ng mga bula ng dagat."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Sa ḥadīth ay may patunay sa kalamangan ng dhikr na ito na naglalaman ng pagluluwalhati sa pamamagitan ng anyong ito. Ang sinumang sumambit niyon, tunay na si Allah ay papawi sa mga kamalian niya gaano man ang inabot nito na dami kahit pa man ito ay tulad ng bula at latak ng dagat sa dami, isang kabutihang-loob mula kay Allah para sa mga umaalaalang lingkod Niya.