+ -

عَنْ عَبْدُ اللَّهِ بْنُ سَلَامٍ رضي الله عنه قَالَ: لَمَّا قَدِمَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ الْمَدِينَةَ انْجَفَلَ النَّاسُ قِبَلَهُ، وَقِيلَ: قَدِمَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَدِمَ رَسُولُ اللَّهِ، قَدِمَ رَسُولُ اللَّهِ، ثَلَاثًا، فَجِئْتُ فِي النَّاسِ لِأَنْظُرَ، فَلَمَّا تَبَيَّنْتُ وَجْهَهُ، عَرَفْتُ أَنَّ وَجْهَهُ لَيْسَ بِوَجْهِ كَذَّابٍ، فَكَانَ أَوَّلُ شَيْءٍ سَمِعْتُهُ تَكَلَّمَ بِهِ أَنْ قَالَ:
«يَا أَيُّهَا النَّاسُ، أَفْشُوا السَّلَامَ، وَأَطْعِمُوا الطَّعَامَ، وَصِلُوا الْأَرْحَامَ، وَصَلُّوا بِاللَّيْلِ وَالنَّاسُ نِيَامٌ، تَدْخُلُوا الْجَنَّةَ بِسَلَامٍ».

[صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن ابن ماجه: 3251]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin Salām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, napasugod ang mga tao sa dako niya at sinabi: "Dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), dumating ang Sugo ni Allāh, dumating ang Sugo ni Allāh" nang tatlong ulit. Kaya dumating ako sa mga tao upang tumingin. Noong nakaaninag ako sa Mukha niya, nalaman ko na ang mukha niya ay hindi isang mukha ng isang palasinungaling. Ang kauna-unahang bagay na narinig ko na sinalita niya ay na nagsabi siya:
"O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}

[Tumpak] - - [سنن ابن ماجه - 3251]

Ang pagpapaliwanag

Noong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah at nakita siya ng mga tao, nagmamabilis na dumako sila sa kinaroroonan niya. Kabilang sa dumako sa kanya ay si `Abdullāh bin Salām (malugod si Allāh dito), na kabilang noon sa mga Hudyo. Noong nakita nito siya, nalaman nito na ang mukha niya ay hindi isang mukha ng isang palasinungaling dahil sa lumilitaw sa kanya na liwanag, karikitan, at tapat na anyo. Ang kauna-unahang bagay na narinig nito mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay na siya ay humimok sa mga tao sa mga gawaing magiging isang kadahilanan sa pagpasok sa Paraiso. Kabilang sa mga ito:
A. Ang pagpapalaganap ng pagbati ng kapayapaan, ang paghahayag nito, at ang pagpaparami nito sa sinumang nakilala mo at hindi mo nakilala.
B. Ang pagpapakain ng pagkain sa pamamagitan ng kawanggawa, regalo, at pagpapanauhin.
C. Ang pakikipag-ugnayan sa mga kaanak sa mga nauugnay ka sa kanila sa pagkaanak o pagkakamag-anak sa parte ng ama o ina.
D. Ang pagsasagawa ng kusang-loob na ṣalāh na qiyāmullayl habang ang mga tao ay tulog.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الرومانية Luqadda malgaashka
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpapalaganap ng pagbati ng kapayapaan sa gitna ng mga Muslim. Hinggil naman sa hindi Muslim, hindi siya sisimulan ng pagbati. Kung bumati siya sa pamamagitan ng pagsabi ng: Assalāmu `alaykum (ang kapayapaan ay sumainyo), tutugon sa kanya sa pamamagitan ng pagsabi ng: Wa-`alaykum (At sumaiyo).