+ -

عن أبي بكرة رضي الله عنه : أن رجلًا ذكر عند النبي صلى الله عليه وسلم فأثنى عليه رجلٌ خيرًا، فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «ويحك! قطعت عنق صاحبك» يقوله مرارًا: «إن كان أحدكم مادحا لا محالة فليقل: أحسب كذا وكذا إن كان يرى أنه كذلك وحسيبه الله، ولا يُزكَّى على الله أحد».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Bakrah, malugod si Allah sa kanya: "May isang lalaking binanggit sa harap ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at pinapurihan ito ng isang lalaki nang maganda. Kaya nagsabi ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Kapighatian sa iyo! Pinutol mo ang leeg ng kaibigan mo." Sinasabi niya ito ng ilang ulat. "Kung ang isa sa inyo ay magpupuri nang hindi maiiwasan, magsabi siya: Itinuturing ko ito na ganito at ganoon kung nakikita niya na ito ay ganoon. Ang tagatuos niya ay si Allah. Hindi makapagpapatotoo ang isa man kay Allah sa kalinisang-budhi ng sinuman."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Sa ḥadīth ay may mga direktiba ng pinagpalang sunnah. Ang Muslim ay lalayo sa pagpapalabis sa pagpupuri. Ang pagmamagaling at ang kapalaluan ay isa sa mga pinapasukan ng Demonyo. Ang pagpapalabis sa pagpupuri at pagbubunyi ay naglulublob sa pinapupurihan sa pagmamagaling at pagmamalaki kaya naman mapapahamak siya. Magiging katamtaman ang Muslim sa pagpupuri niya at pagbubunyi niya at ipauubaya niya ang usapin ng mga tao kay Allah, napakamaluwalhati Niya, ang Nakaaalam sa mga ikinukubli ng mga kaluluwa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Tamil
Paglalahad ng mga salin