+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «إذا قال الرَّجُل: هَلَكَ الناس، فهو أَهْلَكُهُم».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Kapag nagsabi ang isang lalaki na nasawi ang mga tao,siya ay higit na [naging] sawi sa kanila))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

"Kapag nagsabi ang isang lalaki : Nasawi ang mga Tao,Ninanais niya rito ang pagmamaliit sa kanila at pagsusuklam sa kanila at pagmamataas sa kanila,dahil sa nakikita niya sa sarili na higit siyang mainam sa kanila,tunay na siya ay magtatamo ng higit na kasawian kaysa sa kanila."At ito ay batay sa salaysay na Arraf`e ( May patinig na O):"Higit na masasawi mula sa kanila" At batay sa salaysay na Annasab ( May patinig na A): " Sinawi niya sila"Ibig sabihin nito:" Siya ang naging dahilan sa pagkasawi nila,sapagkat siniraan niya sila ng loob,[Gumawa siya ng paraan upang mawalan] sila ng pag-asa mula sa mga habag ni Allah,at pinigilan niya sila sa pagbabalik sa kanya sa pamamagitan ng Pagbabalik-loob [pagsisi] ,at itinulak sila sa pagpapatuloy sa anumang naging kalagayan nila mula sa kawalan ng pag-asa hanggang sa nangasawi sila"

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin