1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ḥadīth Tunay na ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan ninyo para kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān."}

عَنِ ابْنِ عُمَرَ رَضيَ اللهُ عنهما قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِنَّ أَحَبَّ أَسْمَائِكُمْ إِلَى اللهِ عَبْدُ اللهِ وَعَبْدُ الرَّحْمَنِ».

Ang saling ito ay nangangailangan ng dagdag na pagrerepaso at pag-eeksakto..

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan ninyo para kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 2132

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan para kay Allāh ay ang ngalan ng pag-alaala: `Abdullāh o `Abdurraḥmān.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Napasasama sa dalawang pangalang ito ang anumang naging tulad ng dalawang ito gaya ng `Abdurraḥīm, `Abdulmalik, at `Abduṣṣamad. Ang mga ito ay naging pinakakaibig-ibig lamang kay Allāh dahil ang mga ito ay naglaman ng isang paglalarawang kinakailangan para kay Allāh at paglalarawan para sa tao at kinakailangan para rito, ang pagkaalipin. Pagkatapos iniugnay ang `abd (lingkod/alipin/mananamba) sa Panginoon sa isang tunay na pagkakaugnay kaya tinutotoo ang mga ito sa mga individuwal ng pangalang ito at binigyang-dangal ang mga ito dahil sa pagkakalangkap natin kaya natamo para sa mga iyon ang kainamang ito. Nagsabi naman ang iba pa sa kanya: Ang kasanhian sa pagkakasya sa dalawang pangalan ay hindi naganap sa Qur'ān ang pag-uugnay ng `abd sa isang pangalang kabilang sa mga pangalan ni Allāh (napakataas Siya) na iba pa sa dalawang ito. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 72:19): {Na noong tumindig ang lingkod ni Allāh habang dumadalangin sa Kanya...} at nagsabi pa Siya sa isa pang talata (Qur'ān 25:63): {Ang mga lingkod ng Napakamaawain...} at sumusuporta rito ang sabi Niya (Qur'ān 17:110): {Sabihin mo: "Dumalangin kayo kay Allāh o dumalangin kayo sa Napakamaawain..."}

Ang Paglalahad ng mga Salin

35 Ang Wika
EN English الإنجليزية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
TR Türkçe التركية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية