عن عمر بن الخطاب رضي الله عنه مرفوعاً: «الذهب بالذهب رِباً، إلا هَاءَ وَهَاءَ، والفضة بالفضة ربا، إلا هَاءَ وهَاءَ، والبُرُّ بالبُرِّ ربا، إلا هاء وهاء. والشعير بالشعير ربا، إلا هاء وهاء».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya: "Ang ginto kapalit ng ginto ay patubo malibang kaliwaan. Ang pilak kapalit ng pilak ay malibang kaliwaan. Ang trigo kapalit ng trigo ay patubo malibang kaliwaan. Ang sebada kapalit ng sebada ay patubo malibang kaliwaan."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nililinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ḥadīth na ito ang pamamaraan ng pagbebentang tumpak sa pagitan ng mga uring ito na nagaganap sa mga ito ang patubo: na ang sinumang magtinda ng ginto kapalit ng pilak o ang kabaliktaran, kailangan ang pagdalo at ang pag-aabutan sa pinagdarausan ng transaksyon at kung hindi, hindi tutumpak ang transaksyon dahil itong pagbabayaran ay nagsasakundisyon para sa katumpakan nito ng pag-aabutan. Gaya ito ng sinumang nagbenta ng trigo kapalit ng sebada o ang kabaliktaran, kailangan ang pag-aabutan sa pagitan nilang dalawa sa pinagdarausan ng transaksyon dahil sa ang mga uring ito ay may sanhi ng patubong nakasisira sa transaksyon kapag naganap ang paghihiwalay bago ang pag-aabutan. Kapag nagkatugma ang uri, kailangan ang pag-aabutan at ang pagkakatulad gaya ng ginto kapalit ng ginto, kahit pa man nagkaiba ng kalidad. Kapag naman nagkaiba ang uri at nagkasundo ang sanhi, kailangan ang pag-aabutan at hindi isinasakundisyon ang pagkakatulad gaya ng ginto kapalit ng mga salapi. Kapag nagkaiba ang sanhi o ang paninda ay hindi kaugnay sa pagpapatubo, walang isinasakundisyong anuman at ipinahihintulot ang pagpapaliban ng palitan at ang pagkakaiba ng kalidad at kantidad.