عن أبي المنهال قال: «سألت البراء بن عازب، وزيد بن أرقم، عن الصَّرْفِ؟ فكل واحد يقول: هذا خير مني. وكلاهما يقول: نهى رسول الله صلى الله عليه وسلم عن بيع الذهب بالوَرِقِ دَيْنَاً».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Al-Minhāl: "Tinanong ko sina Al-Barrā’ bin `Āzib at Zayd bin Arqam tungkol sa palitan ng ginto't pilak sapagkat ang bawat isa ay nagsasabi: Ito ay higit na mabuti para sa akin, at ang kapwa sa kanila ay nagsasabi: Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagtitinda ng ginto kapalit ng pilak bilang utang."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Tinanong ni Abū Al-Minhāl sina Al-Barrā’ bin `Āzib at Zayd bin Arqam tungkol sa hatol sa palitan, ang pagbibilihan ng mga paninda. Bahagi ng pag-iwas nilang dalawa sa kasalanan, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, nagsimula silang dalawang magpalitan ng fatwā. Hinahamak ng bawat isa sa kanilang dalawa ang sarili niya sa tabi ng kasama niya subalit nagkaisa silang dalawa sa pagkakatanda nilang dalawa na: ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay sumaway sa pagtitinda ng ginto kapalit ng pilak bilang utang dahil sa pagkakasama nila sa kadahilanan ng patubo kaya sa sandaling iyon ay kailangan ang abutan sa lugar ng transaksyon dahil kung hindi, hindi tutumpak ang palitan at magiging isang patubo sa pamamagitan ng nasī’ah (pagpapaliban sa pagbabayad). Tawag-pansin: Ang patubo (ribā) ay transaksyong pampananalaping ipinagbabawal. Nahahati ito sa dalawang bahagi: Una: ang patubo sa mga pautang, na nagdaragdag sa kantidad ng utang, na naunang itinakda kapalit ng pagdaragdag sa taning ng pagbabayad; ikalawa: ang patubo sa mga pagtitinda, na pagdaragdag o pagpapaliban sa pagbabayad sa mga takdang uri ng paninda. Tinatawag ang mga uri ng pagpapatubo na ganito, tulad ng ginto kapalit ng ginto at trigo kapalit ng trigo.