عن أبي هريرة رضي الله عنه : «نهى رسول الله صلى الله عليه وسلم أن يبيع حاضرٌ لباد، ولا تناجشوا. ولا يبَعِ ِالرجل على بيع أخيه، ولا يخطب على خطبته ، ولا تسأل المرأة طلاق أختها لتِكْفَأَ ما في صَحفَتِهَا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na magtinda ang isang taga-bayan para sa isang taga-ilang. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag pagbentahan ng lalaki ang pinagbebentahan ng kapuwa niya at huwag siyang mag-alok ng kasal sa napangakuan nito ng kasal. Huwag hilingin ng babae na diborsiyuhin ang kapatid niya upang lumuklok siya kinalalagyan nito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang batas ng Islām ay masigasig sa pag-aalis ng bawat magdadahilan ng pag-aaway at pagkamuhi sa mga kasapi ng lipunang Muslim. Lumilitaw ito nang maliwanag sa pamamagitan ng tekstong ito. Ipinagbawal nito ang pagdaragdag sa presyo ng paninda kung walang layuning bilhin at para lamang sa kapakinabangan ng nagtitinda sa pamamagitan ng pagdagdag sa presyo o pamiminsala sa mamimili sa pamamagitan ng pagpapamahal ng paninda para sa kanya. Ipinagbawal ito dahil sa ibinubunga nitong pagsisinungaling, pandaraya sa mga mamimili, at pagtataas ng presyo ng mga paninda sa pamamagitan ng panggugulang at panlilinlang. Ipinagbawal din na magtinda ang taga-bayan para sa taga-ilang ng paninda nito dahil ang taga-bayan ay nakatatalos sa presyo nito kaya naman wala nang matitirang anuman mula rito na pakikinabangan ng mga mamimili. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi: "Hayaan ninyo ang mga tao; tinutustusan ni Allāh ang iba sa kanila mula sa iba sa kanila." Kapag ipinagbili ito ng may-ari nito, makapagdudulot ito ng isang bahagi ng kaluwagan sa mga mamimili. Ang pagbabawal sa pagtitinda ng taga-bayan para sa taga-ilang ay dahil nagdudulot ito ng panggigipit sa mga nananahan. Ang pagbabawal sa pag-aalok ng kasal sa babaing inaalok na ng kasal ng kapuwa niya ay hanggang sa malaman na ang naunang nag-alok ay tinanggihan sa alok niya at hindi tinugon. Ito ay dahil nagdadahilan ang pag-alok ng kasal sa babaing inalok na ng iba ng pag-aawayan, pagkamuhi, at pagkakaharap sa pagputol ng panustos ni Allāh. Ang pagbabawal sa paghiling ng babae sa asawa niya na diborsiyuhin nito ang isa pang maybahay nito o ang pagpapainis dito roon o ang pagpapasigalot sa kanilang dalawa upang maganap ang masama sa pagitan nila ay ipinagbabawal dahil sa tinataglay nito na malalaking kasiraang gaya ng pagbubunsod ng mga awayan, pagdudulot ng pagkamuhi, at pagkaputol ng panustos sa babaing diniborsiyo na sa literal na kahulugan ng ḥadīth ay tinaguriang ang pagtataob sa anumang nasa lalagyan niya na mabuti na ang dahilan nito ay ang pag-aasawa at ang anumang inoobliga nito na paggugol, pagpapadamit, at iba pa na bahagi ng mga karapatang pangmag-asawa.