عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه مرفوعاً: «أن رسول الله صلى الله عليه وسلم نهى عن الْمُنَابَذَةِ-وهي طرح الرجل ثوبه بالبيع إلى الرجل قبل أن يقلبه، أو ينظر إليه-، ونهى عن الْمُلَامَسَةِ -والملامسة: لمس الرجل الثوب ولا ينظر إليه-».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa Munābadhah. Ito ay ang paghagis ng lalaki ng damit niya sa pagtitinda sa lalaki bago nakapagsuri iyon dito o nakatingin iyon dito. Ipinagbawal niya ang Mulāmasah. Ang Mulāmasah ay ang pagsalat ng lalaki sa damit nang hindi tumitingin dito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagtitindang may panlilinlang dahil sa natatamo rito na kapinsalaan sa isa sa nagbibilihan sa pamamagitan ng pagkadaya sa pagtitinda niya o pagbili niya. Iyon ay gaya ng kapag ang paninda ay hindi alam ng nagtitinda o ng mamimili o nilang dalawa. Kabilang dito ang pagtitindang munābadhah kung saan ihinahagis ng tindero ang damit, halimbawa, sa mamimili at napagkakasunduan nila ang bilihan bago natingnan ito o nasuri. Ang tulad nito ay ang mulāmasah gaya ng pagbabatay nila sa pagbibilihan sa paghipo ng damit, halimbawa, bago natingnan ito o nasuri. Ang dalawang paraan ng pagbiling ito ay humahantong sa kawalang-kaalaman at pagkalinlang sa binibili. Ang isa sa nagbibilihan ay nasa ilalim ng panganib bilang nakalalamang o nalalamangan kaya pumapasok sila sa usapin ng sugal na ipinagbabawal.