عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما قال: «نهى رسول الله صلى الله عليه وسلم عن المُزَابَنَةِ: أن يبيع ثَمَرَ حَائِطِهِ إن كان نَخْلًا: بتَمْرٍ كَيْلًا، وإن كان كَرْمًا: أن يبيعه بزبيب كَيْلًا، أو كان زَرْعًا: أن يبيعه بكَيْلِ طعام، نهى عن ذلك كله».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi:((Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Muzabanah [Pagbibinta na may Pagtatantiya],;Ang ibinta niya ang bunga ng Harden niya kung ito ay Punong-Palmera;kapalit ng Tamr [Bunga ng Punong Palmera],sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At kung ito ay Ubas;kapag ibininta niya ito kapalit ng Tuyong-Ubas ,sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At kung ito ay Pananim:Kapag ibininta niya ito kapalit ng pagkain sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At ang lahat ng mga ito ay ipinagbawal niya))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinagbabawal ng Popeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Muzabanah [Pagbibinta na may pagtantiya],kung saan ito ay pagbibinta ng nakikita sa hindi natitiyak [na sukat,dami o halaga] mula sa uri niya,Ito ay dahil sa mga pinsalang napapaloob sa pagbibintang ito,at dahil sa mga hindi tiyak [na sukat,dami o halaga] na napapaloob rito.sa pamamagitan ng pagtatantiya ng dalawang ibinibinta na maaaring humantong sa Pagpapatubo.At naibigay ang mga ilang halimbawa na magbibigay linaw rito at maghahayag.At ito ay tulad halimbawa ng;Kapag ibininta niya ang bunga ng harden niya ,kung ito ay puno ng Palmera,kapalit ang Tamr [Bunga ng Punong Palmera],sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami] ,At kung ito ay Ubas,Kapag ibininta niya ito,kapalit ang Tuyong Ubas sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At kung ito ay pananim;Kapag ibinita niya ito,kapalit ang pagkain mula sa ibang uri nito sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],Ipinagbawal ang lahat ng ito,dahil sa napapaloob rito na mga katiwalian at mga kapinsalaan.