عن أنس بن مالك رضي الله عنه مرفوعاً: «أن رسول الله صلى الله عليه وسلم نهى عن بيع الثمار حتى تُزْهِي. قيل: وما تُزْهِي؟ قال: حتى تَحمَرَّ. قال: أرأيت إن مَنَعَ اللهُ الثمرة، بِمَ يستحِلُّ أحدُكُم مال أخيه؟».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagtitinda ng mga bunga hanggang sa mahinog. Sinabi: "Ano po ang mahinog?" Nagsabi siya: "Hanggang sa mamula." Nagsabi siya: "Ano sa tingin mo kung pinigilan ni Allāh ang [paghinog ng] bunga? Dahil sa ano itinuturing ng isa sa inyo na ipinahihintulot ang ari-arian ng kapatid niya?"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang mga bunga ay nahaharap sa maraming peste bago lumitaw ang kaangkupan ng mga ito. Sa pagtitinda ng mga ito ay walang kabutihan para sa mamimili sa panahong iyon kaya pinagbawalan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang tindero at ang mamimili sa pagtitinda ng mga iyon hanggang sa mahinog. Iyon ay ang paglitaw ng kaangkupang ang patunay nito sa bunga ng datiles ay ang pamumula o ang paninilaw. Pagkatapos ay binigyang-dahilan ng tagapagbatas ang pagbabawal sa pagbibilihan ng mga ito na kung sakaling pinuntahan ang mga ito ng isang peste o ang ilan sa mga ito, dahil sa ano magiging ipinahihintulot para sa iyo, o tindero, ang salapi ng kapatid mong mamimili? Papaano mong kukunin ito nang walang panumbas na pakikinabangan niya?