عَنْ عُبَادَةَ بْنِ الصَّامِتِ رَضيَ اللهُ عنهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«الذَّهَبُ بِالذَّهَبِ، وَالْفِضَّةُ بِالْفِضَّةِ، وَالْبُرُّ بِالْبُرِّ، وَالشَّعِيرُ بِالشَّعِيرِ، وَالتَّمْرُ بِالتَّمْرِ، وَالْمِلْحُ بِالْمِلْحِ، مِثْلًا بِمِثْلٍ، سَوَاءً بِسَوَاءٍ، يَدًا بِيَدٍ، فَإِذَا اخْتَلَفَتْ هَذِهِ الْأَصْنَافُ، فَبِيعُوا كَيْفَ شِئْتُمْ، إِذَا كَانَ يَدًا بِيَدٍ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1587]
المزيــد ...
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang ginto ay kapalit ng ginto, ang pilak ay kapalit ng pilak, ang trigo ay kapalit ng trigo, ang sebada ay kapalit ng sebada, ang datiles ay kapalit ng datiles, at ang asin ay kapalit ng asin: [pagbabayad] sa isang tulad ng isang tulad, ng isang kapantay sa isang kapantay, ng isang kamay sa isang kamay. Kapag naman nagkaiba-iba ang mga uring ito, magbenta kayo kung papaanong niloob ninyo, kapag ito ay pagbabayad ng isang kamay sa isang kamay."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1587]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pamamaraan ng tumpak ng pagtitinda kaugnay sa anim na klaseng maipampapatubo (ribawīy). Ang mga ito ay ang ginto, ang pilak, ang trigo, ang sebada (barley), ang datiles, at ang asin. Kapag ang mga ito ay kabilang sa mismong uri gaya ng pagtitinda ng ginto kapalit ng ginto at pilak kapalit ng pilak, walang pagkaiwan sa dalawang kundisyon: Una. Ang pagkakatularan sa timbang kung ito ay tinitimbang gaya ng ginto at pilak o ang pagkakatularan sa takal kung ito ay tinatakal gaya ng trigo, sebada, datiles, at asin. B. Ang pagkatanggap ng tagapagtinda ng kabayaran at ng mamimili ng paninda at iyon ay sa lugar ng pagdaraos ng pagtitinda. Kapag nagkaiba ang mga klaseng ito gaya ng pagtitinda ng ginto kapalit ng pilak at ng datiles kapalit ng trigo, halimbawa, pinapayagan ang pagtitinda ayon sa iisang kundisyon. Ito ay ang pagkatanggap ng tagapagtinda ng kabayaran at ng mamimili ng paninda sa lugar ng bilihan. Kung hindi naman, ang pagtitinda ay walang-saysay at nasadlak nga sila sa patubo (ribā) na ipinagbabawal. Ang tagapagtinda at ang mamimili roon ay magkatulad.