+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم رأى عبد الرحمن بن عوف، وعليه ردَعْ ُزَعفَرَان. فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «مَهْيَمْ؟ فقال: يا رسول الله تزوجت امرأة، فقال: ما أصدقتها؟ قال: وَزْنُ نواة من ذهب قال: بارك الله لك، أَوْلِمْ ولو بشاة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakakita kay `Abdurraḥmān bin `Awf habang mayroon itong isang bakas ng asapran kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ano iyan?" Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nagpakasal po ako sa isang babae." Nagsabi siya: "Ano ang ibinigay-kaya mo sa kanya." Nagsabi ito: "Singbigat ng buto na ginto." Nagsabi siya: "Magdulot si Allāh ng pagpapala sa iyo. Maghanda ka kahit man lamang isang tupa."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nakakita ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay `Abdurraḥmān bin `Awf ng isang bakas ng asapran. Ang karapat-dapat sa mga lalaki ay magpabango ng lumilitaw ang amoy at nagkukubli ng bakas nito. Kaya tinanong siya ng Propeta - nang may pagtutol - tungkol sa bakas na nasa kanya at ipinabatid niya na siya ay bagong kasal at nasagian siya mula sa maybahay niya kaya nagpahintulot sa kanya dahil doon. Yayamang ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay magiliw sa kanila, madamayin sa kanila, inaalam niya ang mga kalagayan nila upang ayunan sila sa maganda sa mga iyon at pagbawalan sila sa masagwa. Nagtanong ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa bigay-kaya niya roon. Nagsabi siya na nakatutumbas ng bigat ng isang butil na ginto. Dumalangin para sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng biyaya at inutusan siya na maghanda ng kahit isang tupa dahil sa pag-aasawa niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan