عن أبي ذر الغفاري رضي الله عنه مرفوعاً: «إذا طبختَ مَرَقَة، فأكثر ماءها، وتعاهدْ جِيْرانك».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Dharr Al-Ghifārīy, malugod si Allah sa kanya.-Hadith na Marfu: ((Kapag nagluto ka ng sabaw, damihan mo ang tubig nito at mamahagi ka sa iyong mga kapit-bahay))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang Hadith na ito ni Abē Dharr ay nagpapakita ng paglalarawan mula sa mga larawan ng pangangalaga ng Islam sa karapatan ng kapit-bahay.Ito ay naghihimok sa mga tao,kapag ipinagkaloob ni Allāh sa kanya ang biyaya,na mamahagi siya sa kanyang kapit-bahay ng mga ilang mabubuting bagay, sapagkat sinabi niya-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-"Kapag nagluto ka ng sabaw, damihan mo ang tubig nito at mamahagi ka sa iyong mga kapit-bahay " Ibig sabihin ay damihan mo ang tubig nito, ibig sabihin ay dagdagan mo ito ng tubig;upang dumami at ipamigay mo sa iyong mga kapit-bahay.At ang sabaw ay kadalasan mula sa karne o sa iba pa na maaring ihalo rito.At gayundin kapag mayroon kang iba maliban sa sabaw, o maiinom, katulad halimbawa ng karagdagang gatas,o ang mga tulad pa nito, nararapat sa iyo na mamahagi sa mga kapit-bahay mo nito;Dahil sila ay may karapatan sa iyo