+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه أنّ رسولَ الله صلى الله عليه وسلم قال: «لا يمَنَعَنَّ جارٌ جاره: أن يغرِزَ خَشَبَهُ في جداره، ثم يقول أبو هريرة: ما لي أراكم عنها مُعْرِضِين؟ والله لَأرْميَنّ َبها بين أكتافكم».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Huwag ngang pagbabawalan ng isang kapit-bahay ang kapit-bahay niya na magtalasok ng kahoy nito sa dingding niya." Pagkatapos ay nagsasabi si Abū Hurayrah: "Bakit nakikita ko kayo na mga umaayaw roon? Sumpa man kay Allah, talagang ikakalat ko nga iyon sa mga harapan ninyo."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang kapit-bahay ay may mga tungkulin sa kapit-bahay niya, na kinakailangang isaalang-alang sapagkat hinimok ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagpapanatili ng kaugnayan sa kapit-bahay. Binanggit niya na si Anghel Gabriel ay hindi tumigil sa pagtatagubilin sa kanya hanggang sa inakala niya na ito ay magtatagubiling pamanahan niya ang kapit-bahay niya dahil sa bigat ng karapatan nito at tungkuling magpakabuti rito. Dahil dito, isinasatungkulin sa kanila ang magandang pakikitungo, ang kapuri-puring asal, ang pagsasaalang-alang sa mga karapatan ng pagkakapit-bahay, at ang pagpipigil ng isa't isa ang kasamaang pampananalita at panggawain. Bahagi ng kagandahan ng pagkakapit-bahay at pagsasaalang-alang sa mga karapatan nito ay na magkaloob ang ilan sa kanila sa iba ng mga kapakinabangang hindi nagdudulot sa kanila ng malaking kapinsalaan kasabay ng kapakinabangan para sa kapit-bahay. Kabilang doon kung ninais ng kapit-bahay na maglagay ng kahoy sa dingding ng kapit-bahay nito. Kung nagkaroon ng pangangailangan sa may-ari ng kahoy at ang walang kapinsalaan ang paglalagay ng kahoy sa may-ari ng dingding, isinasatungkulin sa may-ari ng dingding na magpahintulot doon sa pakikinabang na ito na walang kapinsalaan sa kanya kalakip ng pangangailangan na kapit-bahay niya roon at pipilitin siya ng namamahala roon kung hindi siya nagpahintulot. Kung mayroong kapinsalaan o walang pangangailangan doon, ang kapinsalaan ay nananatiling kapinsalaang tulad niyon. Ang pangunahing prinsipyo kaugnay sa karapatan ng Muslim ay ang paghadlang [sa kapinsalaan] kaya naman hindi isinasatungkulin sa kanya na magpahintulot. Dahil dito, tunay na si Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, noong nalaman niya ang nilalayon ng Pinakadakilang Tagapagbatas mula sa tiyak na sunnah na ito, nagmasama sa kanila sa pagtanggi nila sa pagpapatupad nito. Binantaan niya sila na oobligahin niya sila na ipatupad iyon sapagkat tunay na ang kapit-bahay ay may mga karapatang isinatungkulin ni Allah, pagkataas-taas Niya, na kinakailangan ang pagsasaalang-alang niyon at ang pagsasagawa niyon. Nagkaisa ang pahayag ng maaalam sa pagbabawal sa paglalagay ng kahoy ng kapit-bahay sa dingding ng kapit-bahay kapag may kapinsalaan malibang may kapahintulutan niyon batay sa sabi niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Walang kapinsalaan at walang pamiminsala."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Portuges
Paglalahad ng mga salin