عن عبد الله بن يزيد الخطمي الأنصاري رضي الله عنه قال: حدثني البراء -وهو غير كَذُوبٍ- قال: «كان رسول الله صلى الله عليه وسلم إذا قال: سمع الله لمن حمده: لم يَحٍنِ أحدٌ منا ظهره حتى يقع رسول الله صلى الله عليه وسلم ساجدًا، ثم نقع سجودًا بعده».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Yazīd Al-Khaṭamīy Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsalaysay sa akin si Al-Barrā', at siya hindi palasinungaling. Nagsabi siya: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagsabi siya: Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allah sa sinumang nagpuri sa Kanya), walang bumaluktot na isa man sa amin ng likod niya hanggang sa lumapag ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nakapatirapa. Pagkatapos ay lumalapag kami sa pagpapatirapa matapos niya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Binabanggit ng matapat na Kasamahang ito, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay namumuno sa mga Kasamahan niya sa dasal. Ang mga gawain ng mga pinamumunuan sa dasal ay ginagawa matapos na gawin ang gawain ng namumuno yayamang ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nag-angat ng ulo mula sa pagkakayukod at nagsabi ng: Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allah sa sinumang nagpuri sa Kanya), nag-aangat ng ulo ang mga Kasamahan niya matapos niya; at kapag lumapag siya na nagpapatirapa at nakaabot na sa lapag, lumalapag sila na mga nagpapatirapa matapos niya.