عن وابِصَة بن مَعْبَد الجُهني رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم رأى رَجُلا يصلِّي خلف الصَّف وحْدَه، فأمَرَه أن يُعِيد الصلاة.
[حسن] - [رواه أبو داود وأحمد والترمذي]
المزيــد ...
At ayon kay Wabisah bin Ma-bad Al-Juhanie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;ay nakakita ng isang lalaki na nagdarasal sa likod ng linya na nag-iisa,Ipinag-utos nito sa kanya na ulitin niya ang pagdarasal.
[Maganda] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Pagkatapos umalis ng Sugo ni Allah-pagpalai siya ni Allah at pangalagaan sa kanyang pagdarasal,tumingin siya,kung-kaya`t nakita niya ang isang lalaking nagdarsal sa likod ng linya na nag-iisa,ipinag-utos nito sa kanya na ulitin ang dasal na dinadasal niya sa likod ng linya mula`t sa simula,at ito ay hayag;na tunay na ang pagdarasal sa likod ng linya na nag-iisa ay hindi ipinapahintulot sapagkat siya ay napag-utusan sa pag-uulit nito,at hindi ipag-uutos sa kanya ang pag-uulit nito kung ito ay kusang-loob sa kanya,at ang nakasaad sa Hadith ni Abe Bakrah malugod si Allah sa kanya-na siya ay yumuko na wala sa linya pagkatapos ay pumasok sa linya,ito ay hindi magpapawalang-bisa sa(Hadith) na ito,Sapagkat siya ay hindi nagdasal na nag-iisa,dahil inabutan niya ang pagyuko kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at dahil siya ay nakapagsagawa ng Takbiratul Ihram at ilang bahagi ng pagyuko na nag-iisa,ito ay hindi nangangahulugan na siya ay nagdadasal na nag-iisa;Hindi katulad ng sinumang nakapagsagawa ng dasal ng isang tindig,o mas marami,dahil ito ay pagpapatunay na (nakapagsagawa)ng pagdarasal na nag-iisa, naging ganap man ang linya o hindi ganap,At nararapat sa kanya na kapag nakakita siya sa linya na bakante na pasukan niya ito,at hindi ipinapahintulot sa kanya na tumindig mag-isa sa likod ng linya,at kapag ito ay ginawa niya,hindi magiging tumpak ang pagdarasal niya,at kapag wala na siyang matagpuang bakante sa linya,ay tumindig siya sa likod ng linya na nag-iisa at huwag niyang iwan ang (pagdarasal) ng Jamaah.