+ -

عن أُبيِّ بن كعبٍ رضي الله عنه قال:
صلَّى بنا رسولُ الله صلى الله عليه وسلم يومًا الصُّبحَ فقال: «أشاهِد فُلان؟» قالوا: لا، قال: «أشاهِدٌ فُلان؟» قالوا: لا، قال: «إنَّ هاتيَنِ الصَّلاتين أثقَلُ الصَّلَواتِ على المُنافقين، ولو تعلمون ما فيهما لأتيتُمُوهما ولو حَبْوًا على الرُّكب، وإن الصفَّ الأوّلَ على مِثلِ صَفِّ الملائكة، ولو عَلِمتُم ما فضيلتُه لابتَدَرتُموهُ، وإنّ صلاةَ الرجل مع الرجل أزكى من صلاتِه وحدَه، وصلاتَه مع الرجلَين أزكى من صلاتِه مع الرجل، وما كَثُرَ فهو أحبُّ إلى الله تعالى».

[صحيح] - [رواه أبو داود والنسائي وأحمد] - [سنن أبي داود: 554]
المزيــد ...

Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw sa madaling-araw saka nagsabi siya: "Nakadalo ba si Polano?" Nagsabi sila: "Hindi po." Nagsabi siya: "Nakadalo ba si Polano?" Nagsabi sila: "Hindi po." Nagsabi siya: "Tunay na ang dalawang ṣalāh na ito ay ang pinakamabigat sa mga ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw. Kung sakaling nakaaalam kayo sa kung ano ang nasa dalawang ito, talagang pumunta sana kayo sa dalawang ito kahit pa man pagapang sa mga tuhod. Tunay na ang unang hilera ay ayon sa tulad ng hilera ng mga anghel. Kung sakaling nakaalam kayo sa kung ano ang kainaman nito, talagang nagmadali sana kayo roon. Tunay na ang ṣalāh ng lalaki kasama ng lalaki ay higit na busilak kaysa sa ṣalāh niya nang mag-isa at ang ṣalāh niya kasama ng dalawang lalaki ay higit na busilak kaysa sa ṣalāh niya kasama ng lalaki. Ang dumami ay pinakakaibig-ibig kay Allāh (napakataas Siya)."}

[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 554]

Ang pagpapaliwanag

Nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw sa madaling-araw, pagkatapos nagtanong siya: "Nakadalo ba si Polano sa ṣalāh nating ito." Nagsabi ang mga Kasamahan: "Hindi po." Pagkatapos nagsabi siya sa iba pang tao: "Nakadalo ba si Polano sa ṣalāh nating ito?" Nagsabi sila: "Hindi po." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang ṣalāh sa madaling-araw at gabi ay ang pinakamabigat sa mga ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw dahil sa pananaig ng katamaran sa dalawang ito at dahil sa kakauntian ng pagpapatamo ng pakitang-tao para sa dalawang ito yayamang hindi sila nakikita sa dilim."
Kung sakaling nakaaalam kayo, O mga mananampalataya, kung ano ang nasa dalawang ṣalāh sa madaling-araw at gabi na pabuya at gantimpalang nadaragdagan – dahil ang pabuya ay ayon sa sukat ng hirap – talagang nagsagawa sana kayo ng dalawang ito kahit pa man pagapang at pausad sa mga kamay at mga tuhod.
Tunay na ang unang hilera sa kalapitan nila sa imām ay katulad ng hilera ng mga anghel sa kalapitan ng mga ito kay Allāh (napakataas Siya). Kung sakaling nakaaalam ang mananampalataya sa kung ano ang kainaman ng unang hilera, talagang nag-unahan sana sila tungo roon. Tunay na ang ṣalāh ng lalaki kasama ng isang lalaki ay higit na mabigat sa gantimpala at epekto kaysa sa ṣalāh niya nang mag-isa at ang ṣalāh niya kasama ng dalawang lalaki ay higit na mainam kaysa sa kasama ng iisang lalaki. Ang ṣalāh na dumami ang mga nagdarasal sa pagdalo rito ay higit na kaibig-ibig kay Allāh at higit na mainam.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkaisinasabatas ng pagsisiyasat ng imām ng masjid sa mga kalagayan ng mga ma'mūm at pagtatanong tungkol sa kung sino ang lumiban sa kanila.
  2. Ang pamamalagi sa ṣalāh sa konggregasyon, higit sa lahat sa ṣalāh sa gabi at madaling-araw, ay kabilang sa mga tanda ng pananampalataya.
  3. Ang bigat ng pabuya sa ṣalāh sa gabi at ṣalāh sa madaling-araw ay dahil sa ang pagpunta sa dalawang ito ay may pakikipagpunyagi sa sarili at pakikipagtiisan sa pagtalima. Kaya naman ang pabuya sa dalawang ito ay naging higit na mabigat kaysa sa iba sa dalawang ito.
  4. Ang ṣalāh sa konggregasyon ay naidaraos ng dalawang tao o higit pa.
  5. Ang paglilinaw sa kainaman ng unang hilera at ang pagpapaibig sa pagdadali-dali rito.
  6. Ang kainaman ng laki ng konggregasyon sapagkat tunay na sa tuwing dumarami ang nakadalo, ang pabuya ay nagiging higit na malaki.
  7. Ang mga gawang maayos ay nagkakaibahan sa kainaman alinsunod sa pagtatangi ng Kapahayagan sa mga ito at tinataglay ng mga ito na mga kalagayan.
Ang karagdagan